Kabanata 12

485 25 2
                                    

"Claui, papunta na ba kayo rito?" Josh asked me over phone call.

Napalunok ako at parang tangang tinitigan ang dagat ng mga tao. Nagsisiuwian na sila nang may ngiti sa mga labi.  

"Hindi pa, eh." I tried to sound cool.

Parang nabarahan ng bato ang lalamunan ko nang mahagip ng mata ang isang magkasintahan. They were both happily embracing each other. Halatang proud ang babae sa kaka-graduate niyang boyfriend. 

That made me silently wish. Sana nayakap ko rin ng ganyan si Blue kanina. De bale, mayayakap ko naman siya mamaya. No need for the drama. 

"Bakit? Bilisan niyo Clau. Nilalamok na kami." pagrereklamo niya.

Hay. Ni hindi pa ako nakalapit kay Blue eh dahil siningitan na naman ako ng isang Professor. Tinawag sina Blue at Sigrid kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magpakita. Lagi nalang ako nauunahan, no? Nakakatawa lang dahil ako naman talaga dapat ang nauuna. 

"Claui!" untag ni Josh.

"Ha? Ah oo, bibilisan namin. Saglit lang, ah? Bye."

Inihilamos ko ang aking palad sa aking mukha. I need to pull myself together. Surely, may paliwanag si Blue para rito. Kailangan kong marinig iyon. At kailangan ko rin talaga siyang mayakap. 

I tried staying positive as I wait for Blue to come out from wherever he was taken by the Professor. Kaya lang, dalawang oras na ang lumipas, nilamok na ako't lahat, walang Blue akong nakita.

Sa bawat patak ng oras ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung para saan ang kabang ito gayong malaki naman ang tiwala ko kay Blue.

"Claui," narinig ko si Gio. 

Tumayo na ako. Pupuntahan ko nalang sina Blue. Napapagod narin ang pwetan ko sa kauupo. Mababaliw na ako rito.

"Ano?" sikmat ko sa lalaking bumuntot sa'kin. Akala ko ay umalis na siya kanina.

"Naiwan mo 'to, oh." inilahad niya ang paperbag na bitbit ko nga kanina.

Kinuha ko mula sa kanya ang regalo ko kay Blue at tipid na ngumiti. Nagpatuloy ako sa paglalakad, naghahanap ng pwedeng mapagtanungan. Mabuti nalang at may nahanap ako.

"Ah? Sina Bernard ba at Sigrid? Kanina pa sila nakaalis eh."

Lumaylay ang balikat ko. So, naghintay ako ng dalawang oras para rito? Great. Just great. 

"Claui tara na lang-"

"Bakit ka ba buntot nang buntot, ha?" si Gio ang napagbalingan ko ng inis.

"Kase kaibigan kita?" 

Umawang ang labi ko. Did he seriously think of himself as my friend? Kaibigan ko nga kaya siya? Oh shit. That's not my concern now.

"Hello, Bench." mababa ang boses ko. 

"Oh? Papunta na kayo-"

"Uh, susunod nalang siguro si Blue. Papunta na ako dyan."

Tumulak nga ako sa unit ni Blue. Halos matulala ako. Ang kaba ko kanina ay nadagdagan ng pagtataka at pagkadismaya.

Sinalubong ako ng sama ng tingin ng aking kapatid. 

"Bakit ikaw lang?"

"Saan bebe mo?"

Hindi kailanman naging mahapdi ang tanong na yun. Ngayon lang. 

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon