Kabanata 27

576 31 6
                                    

Nagising ako nang kumirot ng matindi ang aking ulo.

"Ahh, fuck!" daing ko habang halos sabunutan na ang sarili.

Naupo ako sa kama at mariing ipinikit ang aking mata habang sumasandal sa headboard. Pinilig ko ang aking ulo at bahagya pang nasilaw sa liwanag na pumapasok sa kuwarto. 

When my vision finally adjusted, I looked down to check myself. Only to find out that I am still wearing the same outfit! Bahagya pang nakataas ang top ko kaya kita ang aking underboob. Dali-dali ko itong ibinaba at hindi na nag-abala pa sa skirt dahil natatabunan naman ito ng kumot.

"What the heck is that smell?!" 

Nanlaki ang mata at agad na inamoy ang aking sarili. Bumuga pa ako ng hininga sa aking palad at tangina, ang baho ng hininga ko!

Mabaho pala sa hininga ng Tuba! Ang dami ko pang nainom! I smell awful. Nakakadiri!

Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Ang ulong kumikirot o ang bibig na sobrang baho! Ah, I need to fucking shower! And a fucking advil! 

Nagmadali ako sa pagbangon pero agad ding natigilan nang bahagyang umikot ang aking paningin. Napaupo ako sa paanan ng kama habang sapu-sapo ang aking ulo. Nasa ganoon akong posisyon nang bumukas ang pinto. My eyes widened when I saw Vince entering the room, looking so freaking fresh!

"Good morning, Miss." he briefly flashed a small smile.

Hindi na siya humakbang pa papalapit. Isinandal niya ang sarili sa hamba ng pintuan at pinagkrus ang braso. He's wearing a white sando and gray shorts. Kita ko ang pagkinang ng pawis niya sa balikat. His hair is tied in a messy bun. And I can smell him from here! Lalo lang tuloy akong naconscious sa ayos at amoy ko!

Tango ang naisagot ko sa kanya. Ni hindi ako makangiti dahil sa sama ng pakiramdam! 

"Buti at gising ka na. Lumamig na ang agahan, iinitin ko nalang saglit. Tara, kain ka na." 

Agad akong umiling, hindi parin nagsasalita. Kinunotan naman ako ni Vince ng noo. Bumaon ang banyaga niyang mata sa'kin.

"Bakit? Kailangan mong kumain, Miss para may laman ang tiyan mo bago ka uminom ng gamot." 

Itinikom ko lalo ang aking bibig. 

"Ayos ka lang? Bakit hindi ka nagsasalita?" seryoso niyang tanong.

Matalim ko siyang tiningnan at isinenyas ang aking bibig, pagkatapos ay ang aking ilong.

My mouth smells bad, idiot!

Natigilan si Vince at nang marealize ang ibig kong sabihin ay nagpasalida ng nakakalokong ngiti. 

"It's okay. That's normal." he smirked.

Umirap ako at tumayo na. Nilagpasan ko siya at dali-daling tumakbo patungo sa banyo. Halos mauntog pa ako dahil nahihilo talaga ako! Fuck hangover! Mataas naman ang tolerance ko, eh! Pero nalalasing parin talaga. Lalo pa at nagsasasayaw ako kagabi....

Teka. 

Ano itong naaalala kong isinayaw ako ni Vince?! 

"Ahhh, Claudine, you stupid freak! What the hell did you do?!" 

Hindi ko gaanong maalala kung anong mga sinabi ko at eksaktong ginawa pero naalala kong sumayaw nga kami ni Vince. Sa harap pa talaga ng dagat! Madilim! At walang tugtog! What the heck?! 

Halos sabunutan ko na naman ang aking sarili habang nagsha-shampoo. Noong nag-toothbrush naman ako, ibinuhos ko ang aking inis sa aking mga ngipin. Ilang beses pa akong nag-toothbrush para mawala ang amoy. Ganoon katindi ang Tuba!

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon