Kabanata 4

648 25 5
                                    

Everyone got busy during October. Papalapit na kase ang Intramurals kaya abala ang mga student athlete, maging ang lahat ng mga teachers. The class hours got shortened kaya alas dos pa lang ay tapos na ang klase.

"Saan ka pupunta? College lib na naman?" tanong ko kay Hannah

Nitong mga nakaraang araw, napapadalas na ang pagpunta niya sa college building. Ano maaari ang pinupuntahan niya roon? It can't be a college guy, right?

"Uh, may... pupuntahan lang." awkward siyang ngumiti

Pinaningkitan ko siya ng mata. We're currently having our brunch in the school's cafeteria. Nag-oorder si Bench habang nasa court na naman si Joshua.

"Sino?"

Nag-iwas siya ng tingin. She looked freaking guilty! 

"Don't tell me college na iyong crush mo?" 

Her lips parted a bit, shocked that I knew about it.

"P-Paano mo nalaman?"

So, she's really crushing a college guy, huh?

"Bench told me about the guy in the library. Sinabi mo raw na crush mo 'yun. But we didn't know he's already in college."

She sipped on her milk tea and slowly nodded like an obedient cat. Hindi nalang ako nagtanong dahil mukhang na-a-awkward siyang pag-usapan. 

"Gusto mo samahan kita roon?"

Palagi nalang kase siyang mag-isa na nagpupunta. 

"Hindi, huwag na. May kasama naman ako." binigyan niya ako ng ngiti

I shrugged my shoulders off. Oh well, I would surely support Hannah. Regardless of their possibly big age gap. Naniniwala nga kase akong wala namang bata o matanda para sa pag-ibig.

Bumalik si Bench at na-divert ang topic namin. After a couple of minutes, umalis na si Hannah.

"Ikaw? Library ka rin?" tanong ko kay Bench

Umiling siya.

"I'll go with you."

Ay aba, himala.

"Uuwi ka na?"

"Kunwari ka pang uuwi Claui. Bakit? Hindi mo papanoorin ang practice nina Blue?" 

I was caught off guard so I wasn't able to answer right away. 

"Ano? Tara. Sasamahan kita."

"B-Bench, si Joshua ang pinanood ko kahapon ah!" 

It's true. Nanood nga ako ng practice kahapon pero kaibigan ko naman ang pinanood ko, hindi si Blue! Wait. Isn't Blue your friend too, Claudine? 

Pairap na nag-iwas ng tingin si Bench sa'kin.

"Masyado kang defensive. Wala naman akong sinabi."

"Huh? Anong wala?"

"May sinabi ba akong practice ni Blue? Practice nina Blue 'yung sinabi ko. Magkaiba iyon, Claudine."

"Whatever." I rolled my eyes

Sinamahan niya nga akong manood ng practice. We were on the lowest part of the bleachers, ilang metro lang ang layo sa bench ng mga players. Sumaludo si Josh nang makita kami at as usual, pabibo na naman siya sa game. 

Nahagip ng mata ko si Blue. He was sitting on their bench. Seryoso siyang nanood nang bigla niyang ginalaw ang ulo at nagtama ang paningin namin. Kumaway siya ng bahagya at ngumiti. Hindi ako umimik bagama't may kaunting ngiti narin sa aking labi.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon