Kabanata 18

551 30 4
                                    

"Ako na magsasaing, Esme." I volunteered.

Gusto kong palakpakan ang aking sarili. Buong buhay ko, ngayon lang ako nagboluntaryong magsaing! Ni hindi ko maalalang nakapagsaing na ako noon. 

"Sure ka?" 

I couldn't blame her for doubting me. Maging ako ay duda sa sarili ko. 

"Yup." I smiled.

Dinala ako ni Esme sa kanilang dirty kitchen. At gusto kong umatras nang ituro niya sa'kin kung saan sila nagsasaing. Kahoy ang gamit nila! Hindi induction cooker o gas stove!

Akala ko pa naman sa rice cooker sila nagluluto. Great. Sana pala ay nagmasid ako. Gusto ko na tuloy umatras.

Parang bahay kubo ang dirty kitchen nila. Nipa ang bubong at kahoy ang dingding. Sa itaas nakapile ang mga kahoy. May mesa rin roon at silyang gawa rin sa kahoy. Pretty traditional, huh.

Ipinakita lang ni Esme sa'kin yun. Bumalik din kami agad sa clean kitchen nila at doon naghugas ng bigas. Dala-dala ang kalderong may bigas ay bumalik kami sa kanilang dirty kitchen. 

Esmeralda taught me how to light up the woods to create fire. Kahit na hindi ko pa masyadong nakuha ay tumango nalang ako nang tanungin kung gets ko na. Hindi naman siguro ito ganun kahirap.  

"Sigurado kang kaya mo na, Dindin? Kakain na sana ako ng balut eh." 

"Yeah." hindi na ako makatanggi.

Umalis si Esme kaya naiwan ako sa dirty kitchen nila. Sinubukan kong gawin iyong tinuro ni Esme pero imbes na umapoy ay umusok lang ang kahoy. Tagaktak na ang aking pawis at pakiramdam ko ay punong-puno na ng usok ang baga ko.

Ang hirap!

"Anong ginagawa mo?" 

Napaigtad ako nang sumulpot si Vince. May gitla sa kanyang noo habang nakatingin sa'kin. Bigla ay naconscious ako sa ayos ko. Pawisan ako at haggard. But wait, why the heck would I be conscious? Come on, Claudine. The hell you care kung mabahuan siya sa'yo o ano.

"Uh, mahirap palang paapuyin 'to no?" lintek na kahoy. 

"Malamang. Dikit-dikit yan." tinuro niya ang pagkakapuwesto ko sa mga kahoy. 

Dikit-dikit nga yun. Hindi ko naman alam na hindi pala dapat ganun, ah. Hindi nasabi ng kapatid niya!

"Ang lakas ng loob. Hindi naman pala marunong." pagpaparinig niya.

Nasagi ako roon. Nainis na nga ako sa kahoy, iinisin niya pa ako lalo!

"Alam mo ikaw, kanina ka pa ah. Magsabi ka kung ayaw mo na ako rito dahil aalis ako. Hindi iyong iniinsulto mo ako-"

"Tabi." bastos niyang putol sa'kin.

Tinaasan niya ako ng kilay. Matalim naman ang tingin ko sa kanya. Labag sa loob kong tumabi. Bwisit!

"Ako na." dagdag niya pa.

Pinanood ko siyang ayusin ang mga kahoy na ipinuwesto ko kanina. Dahil malapad ang likod niya, hindi ko na masyadong makita ang ginagawa niya. Yes, the man has broad shoulders. At nagfe-flex pa ang mga muscles niya sa tuwing gumagalaw. 

"Magbihis ka na muna roon. Ako na ang bahala rito, Miss."

Umirap ako at pasimple pang inamoy ang damit. Amoy usok na nga ako. Dyahe.

"Fine."

Iniwan ko si Vince para tumalima sa kanya. Nadatnan ko naman si Esme sa kusina. Kumakain ng balut. She smirked when she saw me.

"Oh, tapos ka na?"

"Si Vince na raw." ngumiwi ako.

Esmeralda laughed like she's so pleased. 

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon