Kabanata 13

513 22 10
                                    

Parang pinukpok ng martilyo ang puso ko. Nang paulit-ulit. Nang pagkalakas-lakas. 

Alam kong nagsisinungaling lang si Gio pero tangina nadurog ako sa salitang binitawan niya. Kinama? Really, now? 

Kulang na lang ay dumugo ang labi ko sa pagkakakagat ko rito. Nag-angat ako ng tingin kay Blue at nakita kong pumula nang husto ang kanyang mga mata. Nag-iba ang ekspresyon niya at tuluyang nanlambot ang tuhod ko.

Alam na alam ko ang tingin niyang ganyan! Ganyan niya ako tinitignan kapag.... guilty siya! Fucking shit huwag naman sana. 

"B-Babe," he tried reaching for my hands pero agad kong iniwas ang kamay ko. Namutla siya dahil doon.

"Claui... sorry... pero ginago nila tayo. Mga gago..." bigla kong narinig ang hagulhol ni Gio.

My eyes widened when I saw him sitting on the land. With his hands covering his face, probably catching his tears. Parang nadurog ako lalo habang pinapakinggan ang pagtangis niya. 

Tumingala ako sa langit. Madilim din iyon. Tila nakikisabay sa alon ng damdamin ko. I tried searching for stars but I saw nothing but the darkness. Hinanap ko rin ang buwan, pero wala akong nakita. Napagtanto ko kung bakit. 

Walang bituin at buwan dahil uulan.

"B-Babe hear me out-"

"Anong nangyayari rito?!" 

"Claui!"

Wala akong lakas para harapin si Bench at Josh. Pero nagpapasalamat ako na narito sila. Kase... pakiramdam ko bigla akong naligaw. Bigla akong nawala. 

"Tarantado ka Blue! Anong ginawa mo sa kapatid ko, huh? Sumagot ka putangina!" 

"K-Kinama n-niya ang g-girlfriend ko... m-may relasyon sila..." hirap na hirap na sabat ni Gio.

Tulala lang ako sa madilim na langit. Kahit na wala akong makitang kinang ng liwanag ay pipi akong humiling. Na sana... itanggi niya. Itanggi mo babe, please. Parang awa mo na... itanggi mo. 

Narinig ko ang hagulhol ni Gio. Bigla ay gusto kong maupo nalang rin at umiyak nang umiyak. Pero bakit ko naman gagawin yun, hindi ba? Para saan? Eh hindi naman ako lolokohin ni Blue.

"Kumalma ka Bench..." halatang hindi rin alam ni Josh ang gagawin.

"Huwag mo akong utusang kumalma! Ano ha? Sumagot ka Blue! Matalino ka diba? Cum Laude? Simpleng tanong lang hindi mo masagot-sagot-"

"S-Sorry." 

Napapikit ako at kung hindi pa ako nilapitan ni Josh para alayayan ay tiyak na natumba na ako sa kinatatayuan. 

Sorry. Isang salita. Limang letra. That was all that it takes to wreck me into bits of pieces.

He just fucking admit it! Tangina... hindi niya tinanggi! Nag-sorry siya! At kahit na tulala ako, alam ko ang ipinahiwatig ng katagang iyon! 

"GAGO KA!"

Pinaulanan siya ng suntok ni Bench. Hindi ako nakapagsalita. Ni hindi ko mapigilan ang kapatid ko. Paano na? 

"Tama na yan Bench!" 

Dinaluhan ni Josh ang kapatid ko kaya kamuntikan akong matumba. Pero mabuti nalang at kahit papaano ay may lakas pa ako. Inihakbang ko ang aking paa at nilapitan si Blue. 

I gulped real hard as I level his eyes. Natumba siya at nakayuko. 

"Claui tara na! Umuwi na tayo bago ko pa mapatay ang walang hiyang-"

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon