Kabanata 21

559 27 5
                                    

"Tara?" I asked Vince.

"You wanna go home already?" 

Natigilan ako. With the mention of the word home, I didn't know what to feel. I know I only have one home. It feels odd that he is actually asking me like I recognize his home my home. 

"Ikaw?" tanong ko pabalik.

Tumango-tango siya at saglit na naidirekta ang tingin sa kung saan nagtatatakbo si Esmeralda. When he couldn't find any trace of his sister, he started walking. Mahahaba ang kanyang bias kaya kung binilisan niya ang lakad ay nahuli na ako. So he walked slower than his usual pace.

"Wala na bang problema roon?" I asked, pertaining to the distribution earlier. 

He glanced at me once.

"Wala na. Tapos naman na." 

I nodded slowly. Malayo-layo pa ang lalakarin kaya nagsalita ako ulit. Akala ko ay mananatili kaming tahimik pareho dahil wala rin naman talaga akong balak na kausapin siya. 

"Ilang taon ka na?" he asked casually.

Bahagya akong nagulat pero hindi ako nagpahalata. Our conversations are improving now, huh?

"Twenty-one. Ikaw ba?" 

Hindi kalayuan sa kinaroroonan namin ay ang kanilang nakahilerang cottages. Ang iilang naliligo at nagbabantay roon ay napalingon sa'min. Nag-iwas ako ng tingin at ang kahabaan nalang ng dalampasigan ang tinitigan. 

"Uh, twenty-eight." medyo nag-alinlangan pa siya sa pagsagot.

I pursed my lips to stifle a chuckle. He looked ashamed that he was years older than me! 

Nilingon niya ako. He raised a brow. I pursed my lips but unfortunately wasn't able to suppress it. Unti-unti ay ngumuso siya sa reaksyon ko.

"What's so funny about my age?" he looked at me darkly.

Suplado siyang nag-iwas ng tingin. Binilisan ko ang aking lakad para makasabay sa kanya. Bumibilis na kase! 

"Wala! Bakit parang nahihiya ka?" 

Inismiran niya ako at hindi sinagot. Huwag kang mag-alala Vince, mukha ka pa namang bente eh! 

"Bakit ka nahihiya kuya?" kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.

Natigilan siya kaya natigil din ako. I tried to look at him with innocent eyes but I think I failed. Tumatalim na ang mata at nangungunot na ang noo. He looked freaking annoyed! 

"What did you just call me?" he gave me a glare.

"Kuya. Bakit? Ano ba dapat? Nirerespeto lang naman kita, ah?" 

He looked even more annoyed that I actually uttered it again. Tinanong niya, eh!

"Huwag mo akong tawaging ganyan." malamig niyang sagot.

Sinubukan kong talikuran siya pero maagap niyang hinawakan ang aking braso. I smirked.

"How should I call you, then? You are years older than me!" I said in a matter-of-factly.

Seriously, aren't we fighting over petty thing? At dito pa talaga! Sa harap ng isang malaking cottage kung saan may umookupa! Mabuti nalang at ilang metro ang layo namin kaya hindi kami marinig ng mga tao. Or not. Ugh. Hindi ako sure. 

"Still. You can't call me that. We're not blood related. You are not my sister." 

Umawang ang labi ko at napahagalpak. Seryoso talaga siya? Ano bang big deal dito? Don't tell me?!

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon