Kabanata 16

531 29 5
                                    

I woke up at around nine am. Napamura pa ako umagang-umaga nang mapagtantong sobrang tagal kong gumising! Surely it's just normal for me pero isla ito! Ano nalang ang sasabihin nina Esme at lalo na ni Vince? Na pa-prinsesa ako? 

Kahit naman ganito ay tinatablan naman ako ng kahihiyan, no!

Nagkumahog ako sa pagbangon. Wala pa akong toothbrush o kahit na ano. Nawalan na ako ng pakialam.

Hinanap ko si Esme at narinig ko siya sa living room. She was watering her plants with a pink sprayer. 

"Good morning, Esme." hiyang-hiya ako.

Itinigil ni Esme ang ginagawa para lingunin ako. She smiled widely at me. And goodness, she looked really fresh! Habang ako'y mukhang dugyot pa.

"Magandang umaga, Dindin. Anong gusto mo sa umaga? Kape? O agahan na agad?" 

Nagspray pa siya ng kaunti bago tuluyang nagpunta sa kusina. There I saw the already prepared breakfast. Lalo lang akong nahiya. 

"Uh, s-sorry. I woke up late. Nakatulong sana ako sa pagluto nito..." 

"Okay lang dzai. Hindi rin naman ako ang nagluto nito. Si kuya," she chuckled.

My lips parted. I don't know if that made me feel better or worse.

Inaya pa ako ni Esme kaya sinabayan ko nalang siya sa pagkain kahit na hindi naman ako madalas na mag-rice tuwing breakfast. Hindi na ako umangal kase alangan namang manghingi pa ako ng avocado toast, di ba? Jeez.

"Si... Vince? Hindi ba siya, uh, sasabay sa'tin?" tanong ko.

Nagngising aso si Esme. 

"Nagtatanong lang ako." I defended myself. Out of respect lang naman iyon. 

"Oo nga. Wala naman akong sinabi. Maagang gumising si kuya para mag-surf."

Marahan akong ngumuya at tumango. So, I can surf here too, huh? Asa ka, Claudine. Wala ka namang pera.

"May cellphone ka naman diba, Esme? Can I borrow? Makikitawag sana ako."

Kailangang makauwi na ako. Kase ano namang gagawin ko rito? Magpabigat? 

"Sige ba. Mamaya pagkatapos nating kumain." she smiled.

Sasaya na sana ako nang mapagtantong hindi ko nga pala kabisado ang cellphone number ni Bench! O ni Hannah or Joshua! 

Damn. Kay Blue lang iyong memorize ko.

Great. Paano na ito ngayon?

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng kasama ko.

Peke akong ngumiti. Ayoko nang idamay pa si Esmeralda sa problema ko. Kaya lang, paano ko siya hindi idadamay gayong nandito ako ngayon? Hay. Hindi ko na alam. Can this be more fucked up?

"Okay lang ba Dindin kung itanong ko sa'yo kung saan ka nanggaling? I mean, talagang nakatira? At kung bakit ka napadpad dito?"

Hesitant ako nung una pero naisip ko, mas maiintindihan niya ako kung magbabahagi ako. Sinabi ko sa kanya kung saan ako nakatira. At narito ako para sana makalanghap ng preskong hangin. Dahil.... bumagsak ako sa second year college. Iyon lang. 

Hindi pa ako handang sabihin kay Esme ang totoong dahilan ng pagkawasak ng puso ko. 

"Ang babaw ko ba?" pagak akong tumawa.

Tumigil na ako sa pagkain dahil bigla akong nabusog.

"Huh? Hindi no. Naiintindihan kita. Ako rin naman, eh."

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon