Kabanata 25

595 28 10
                                    

Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Ang takot na baka makagat ako ng mga bubuyog o ang pagiging conscious sa ayos namin ni Vince. My heart is racing so fast! Dang it!

"Pumikit ka lang Miss. Huwag kang matakot. Nandito ako." bulong ni Vince.

Sinunod ko ang sinabi niya. I shut my eyes as I try to calm myself. Nagpatianod ako sa unti-unti niyang pag-atras. Hinayaan ko siyang manipulahin ang aking galaw. 

Tiniim ko ang aking labi upang pigilan ang pagtili nang marinig ang lalong paglakas ng tunog na nagmumula sa mga bubuyog. Hindi ko alam kung lumilipad na ba sila papunta rito o ano! 

Panay lang ang lunok ko habang hinahayaan si Vince. I stayed silent, so did he. Hindi ko alam kung ilang minuto ang nakalipas nang tumigil na siya sa pag-atras. 

"Ayos na, Miss." 

Naramdaman ko ang pagbitaw at paglayo niya sa'kin. Unti-unti kong idinilat ang aking mata at hinayaang mag-adjust ito sa liwanag. Hindi ko na nakita pa ang puno ng santol o ang nagliliparang mga bubuyog. Luminga-linga ako at nakitang nasa may dalampasigan na kami, nakalabas na sa lugar na parang gubat.

Nilingon ko si Vince at nakita kong nakadungaw siya sa'kin, tila tinitimbang ang aking reaksyon. Nag-iwas kaagad ako ng tingin at umayos ng tayo.

Gusto kong sumigaw sa tuwa. Buti nalang hindi ako nakagat! What a relief. 

"Si Esme?" 

Nasaan ang babaeng iyon? Hindi ko na siya nakita.

"Tumakbo na pauwi." bahagyang siyang natawa.

Mukhang namataan ni Esme ang mga bubuyog kaya tumakbo na siya. Ang bilis, ah! At talagang nang-iwan!

"Buti hindi ka rin tumakbo." 

Kung nagkataon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. It's terrifying to even imagine how it could turn out without him.

"Malamang, Miss. Puwede ba namang pabayaan kita?" kaswal niyang sagot.

Inirap ko nalang ang nagbabadyang ngiti. Kaunti nalang talaga at iisipin kong may gusto siya sa'kin.

"Ano? Tara na." untag niya.

I nodded slowly. Nagpatiuna na siya. Sumunod naman ako habang tanaw-tanaw ang malapad niyang likod. Wala siyang damit pang-itaas kaya malaya kong pinagpyestahan ang matipuno niyang pangangatawan. Sa malapad na balikat at mahahabang bias, para talaga siyang modelo.

Nakalugay pa siya ngayon at magulo ang buhok kaya naimagine ko tuloy na siya si Tarzan. More mature version.

"Paano na iyong mga niyog? And how about the Alocasia plant?" 

Naiwan ba? O dinala ni Esme? Sayang naman.

Vince slowed down and turned to me. Nagsalubong ang kilay niya na tila ba ngayon niya lang naalala.

"Oo nga pala. Mauna ka nalang, kukunin ko-"

"What?! Babalik ka roon?!" 

Gusto niya bang mamatay?!

"Oo. Huwag kang mag-alala, mag-iingat naman ako. Tsaka hindi ko na kukunin iyong niyog na nasa ilalim ng puno ng santol." he gave me a small reassuring smile.

Sumimangot ako at tinablan ng hiya. Nag-conclude pa talaga siyang nag-aalala ako. Hindi kaya!

"Okay."

Nilagpasan ko na siya at binalewala nalang ang boses sa isipan kong nang-uudyok na sabihan ko siyang 'ingat'. Kaya niya na iyon. 

Dumiretso na ako sa bahay. Nakita ko naman kaagad si Esme na nagwawalis sa terasa. She stopped when she saw me. Pinukol ko kaagad siya ng masamang tingin nang makitang nakangisi siya habang sinusuri ako.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon