Kabanata 3

723 30 0
                                    

Nag-angat ako ng tingin. I saw Blue slightly leaning on the door. He's smiling at my classmates and when his vision landed where I am, his eyes got glued on me. Nginitian niya ako ng pagkalapad-lapad. Hindi ko iyon masuklian.

Ang akala ko ay magkikita kami sa cafeteria. Why is he here now? Sinusundo ako? Baka isipin ng mga classmates ko, nanliligaw siya or what.

Mas tumalim ang tingin ko nang marinig ang mapanuksong ungol ng aking mga kaklase. Pati si Hannah, nakisali. Umikot ang mata ko at mabilis na nagligpit ng gamit. Tahimik na sumunod si Hannah sa'kin.

"Hi." 

I answered him a blank stare. 

"Hello, Blue!" si Hannah

Nilagpasan ko siya. I felt him follow me. Si Hannah ang nag-entertain sa kanya. 

"Claudine, saglit lang..."

Napahinto ako nang marahan niyang hinigit ang aking braso. I faced him. Nabura na ang ngiti niyang matamis kanina. 

"What's wrong?"

I stiffened. Oo nga naman at wala siyang ginawang mali! Why am I suddenly mean?! Kinalma ko ang aking sarili. Nang makabawi ay binigyan ko siya ng nahihiyang ngiti.

"Wala. M-May problema lang sa bahay." 

I am really having trouble leaving my problem at home. May narinig na naman kase akong katawagan ni Dad kanina sa cellphone. That made my mood so foul. As the time pass by, lalo lang akong naba-badtrip. I can't stop thinking about Dad and his mistress! How dare he. How dare he claim he's changed when he's intentionally making me hear all of it! 

"Ayos ka lang?" so much concern is dripping in his tone that it almost sent me foreign shivers

"Oo."

His lips stretched to form a small smile. Tinanguan niya pa ako na para bang nanghihikayat na maging okay dahil magiging okay rin ang lahat. Napatango ako pabalik. Like magic, the heaviness lessen.

"Hello, I'm here pa ha." maarteng sinabi ni Hannah

Nabasag ang tinginan namin ni Blue at sabay na natawa sa kanya. Sabay kaming nagpunta sa cafeteria. Bench and Josh were already there. We occupied the vacant seats in their table and, uh, Blue sat beside me. Nasa harap ko si Bench at kita ko ang paninipat niya sa aking katabi.

Nagpakilala si Blue sa kanya at ramdam kong magtatanong si Bench sa'kin. I don't feel guilty even when his eyes looked so malicious. 

"So you're a transferee pala 'no?" Han striked a conversation

May kanya-kanya na kaming pagkain.

How ridiculous it is to think that the guy whom I once thought of avoiding in this cafeteria is here, eating with us.

"Oo. I'm from Osamis."

"Taga Mindanao ka pala bro?" si Josh

They all started conversing. Tahimik lang ako. Kung hindi ngingiti o tatawa ay tatango. I know Bench knew what I was feeling. It's so obvious that I am not comfortable with Blue around. Ganito ako madalas kapag hindi ko kilala o hindi ko ka-close yung tao. In terms of socializing, I suck. Big time.

"Bench, pahingi ah?" I gestured his bottled water

Naubos na kase iyong akin. Matalim niya akong tiningnan.

"Here's mine, Claudine. Hindi ko pa iyan naiinuman." Blue offered his

Nakangisi na sina Joshua at Hannah ngayon.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon