Kabanata 39

764 33 6
                                    

"So... have you had a girlfriend?" mas mahinahon kong tanong.

Ilang minuto narin ang nakalipas mula nung humikbi ako. I feel better now, especially that Vince is holding my hand. He's playing with my fingers. 

"Wala," paos niyang sagot.

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang nagbabantang ngisi. I slightly leaned my head on his shoulder, still ain't contented with how close we are.

"Hmm. Really? Anim na taon din yun, Vince..."

Sinilip ko siya nang kaunti at nakita ko ang pagnguso niya. I suddenly had the urge to pinch his cheeks. Cute! Hay. Cute is even an understatement.

"Wala nga. Hindi na ako nagkaroon ng interes sa iba."

If he's not interested with any other girl other than me, I'm pretty sure it's unlike the other way around. Sa isang buwang pananatili ko sa isla, nasaksihan ko kung papaano siya lapitan ng mga babae. Kulang nalang sila ang manligaw. With Vince's looks, wit, generous personality and wealth, every girl will flock on him, begging for chance.

"Sa tingin mo talaga binali ko ang pangako ko sa'yo?" 

Mabagal akong umirap bago umayos ng upo. I felt his eyes on me. All on me. Lalo ko tuloy naramdaman ang urge para ilabas ang hinanakit at sama ng loob ngayong nasa akin ang buong atensyon niya. 

Makinig ka talaga Vincent! You've got a long explaining to do!

"Oo! Akala ko nga limot mo na ako, eh. Paano ba naman... nagmessage ako sa'yo sa Instagram, sa Facebook, sa Viber, sa Whatsapp... sa lahat ng social media accounts mo, ni isa wala kang nireplyan! Naghintay ako, Vince! Pati text messages ko, iniignore mo. Sinabihan mo pa akong i-message ka, iyon pala hindi ka magrereply." I spat frustratedly.

Naalala ko tuloy ang mga araw na wala akong ginawa kundi tumunganga sa cellphone, naghihintay ng himala na sana magreply siya. 

"Nagrereply naman ako, ah?" malambing niyang sinabi.

Saglit na nabura ang inis ko dahil sa boses niya. Idagdag pa ang marahan niyang haplos sa kamay ko. 

Concentrate, Claudine! Huwag kang magpapadala sa panlalandi niya! Alalahanin mo kung bakit kamuntikan ka nang magmove-on kahit hindi naman talaga naging kayo! 

"Happy birthday? Merry christmas? Happy new year? Iyon lang? Hindi naman counted 'yun! Ni wala ka ngang 'kamusta', eh!"

Akala ko pa naman, pag-alis ko sa isla magiging textmate o chatmate ko siya araw-araw. Iyon pala, on special occassions lang. Ang tipid pa kung mag-message, tapos kapag nirereplyan, isineseen nalang, hindi na nagrereply pabalik! 

"O edi sige... Kamusta?"

Sumimangot ako lalo.

"Seryoso ako."

He heaved a sigh. May iilang taong napapalingon sa'min at napapadouble-look kay Vince. I cared less about them, tho. Lalo namang walang pakialam si Vince.

"I'm sorry. Ayoko lang talagang sirain ang focus mo kaya pinigilan ko ang sarili kong replyan ka-"

"I lost my focus thinking why you aren't replying, Vince!" 

"Claudine, makinig ka. Do you think you'll be where you are right now if our communication did not stop? Sa tingin mo matututukan mo nang mabuti ang pamilya mo... ang kompanya niyo... ang sarili mo... kung sumingit ako? I let you go six years ago for you to focus on yourself. Do you think letting go will make sense if our communication continued?" his voice is dripping with seriousness.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon