Kabanata 14

554 25 5
                                    

  "You can't heal at the same place you were sick, Clau." paulit-ulit na nagreplay sa utak ko ang sinabi ni Bench. 

Tama nga naman siya. Tatlong linggo na ang nakararaan pero parang kahapon lang ang nangyari. Babangon para kumain. Babalik sa kuwarto para humiga at umiyak. Iyon ang naging routine ko. Hindi pa nakatulong na nalaman kong nabuntis ni Blue si Sigrid. Must be the reason why instead of winning me back, he made his way to the new love of his life. Nang ganun ka dali. 

Tangina talaga.

Naibagsak ko pa ang isa kong major subject. At wala na akong ganang mag-aral. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ulit.

Sa tuwing naaalala ko lahat ng alaalang naipundar namin sa loob ng walong taon, nanlulumo ako. Punong-puno ako ng panghihinayang. 

At sa tuwing naaalala ko si Blue, pakiramdam ko lalo ko lang nakakalimutan ang sarili ko.

"Malayo pa ba, Manong?" I asked the bangkero.

Kagabi lang napagpasyahan kong sundin si Bench. Pagod narin kase talaga akong mapraning sa apat na sulok ng kuwarto ko. Gusto kong makalanghap ng preskung hangin at lumayo sa tarantado. 

I just want to... feel myself again. 

"Trenta minuto pa ho." 

Tumango ako at sinikop ang mahabang buhok para pigilan sa pagharang sa aking mukha. Nililipad ito ng hangin. 

"May kamag-anak ba kayo sa isla, Ma'am?"

Tinitigan ko ang tubig dagat na bahagyang tumatalsik sa tuwing tumatama ang bangka sa alon. Inalala ko ang naikuwento ni Bench sa'kin. May tiyahin daw kami rito sa side ni Mommy. Edna ang pangalan.

"Meron po. Edna Alcala po ang pangalan." 

"Ay talaga ba?" mukhang nagulat siya kaya nagulat din ako.

"Kilala niyo po?" nabuhayan ako ng loob dahil kung sakali ay hindi na ako maghahanap. 

Tumango si Manong.

"Asawa ko siya." 

Hay. Thank heavens for not making it hard for me this time.

"Ka-ano-ano mo si Edna?"

"Tiyahin ko po." 

"Naku. Keganda naman pala ng pamangkin ng asawa ko. Anong pangalan mo?"

"Claudine po."

"Ako naman si Francisco."

I bowed a bit.

"Nice meeting you po."

Magaan ang loob ko sa boat ride. Makalipas ang higit dalawampung minuto, natanaw ko na ang isang may kalakihang isla. The greenery that lies on the island formed a slope. Mayabong ang mga punong natatanaw ko mula rito. Natanaw ko rin ang iilang bangka na magkaiba ang laki sa gilid ng dalampasigan.

Mula sa madilim na parte ng karagatan, nakita ko ang pag-iiba ng kulay ng tubig. Naglalaro ito mula sa dark blue, light blue at turquoise. Under the scorching sun are the children squealing on the beach. Kapansin-pansin ang pagiging abala ng isla. 

"Hawak ka sa'kin." inilahad ni Manong ang kanyang kamay sa'kin upang alalayan akong mababa sa bangka.

I held Manong's rough dark hands for assistance. Nang mailapat ko ang aking paa sa tubig ay kakaibang emosyon ang naramdaman ko. I was privileged enough to go to places, you see. Kaya hindi na dapat bago sa akin ang pakiramdam na makapunta sa isang isla. Pero... sa hindi ko malamang dahilan, ito ang pinaka-kakaiba. Siguro dahil sa pagkakataong 'to, ako lang mag-isa. 

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon