Kabanata 11

477 25 3
                                    

"Mahal... anong ginagawa mo rito?" tanong ni Daddy.

I smiled at the way he called my Mommy. I couldn't understand the word properly but it sent me tingling sensations. 

"Mahal? Putang ina. Talaga?! Mahal mo ako pagkatapos mo akong gaguhin? Tarantaduhin? Ahasin? Paikutin? Lokohin? Ha?!"

Nanlaki ang mata ko nang makita ng lubusan ang mukha noong babae. To my horror, it wasn't my mom. Napalitan ng takot ang kaninang saya na naramdaman ko. I was terrified that I moved my feet backwards. Umatras ako pero hindi sapat para hindi marinig ang pinag-uusapan nila. Hindi sapat para hindi sila makita. Hindi sapat para hindi malaman ang katotohanan.

"Nasaan ang kabit mo?! May anak kayo? At itinira mo pa rito?! Sa bahay natin? Nasaan ang kahihiyan mo, Renato?" nanlisik ang kanyang mata.

Sinugod niya si Daddy at pinaghahahampas sa dibdib. Gusto kong umalma pero hindi ako nakagalaw. I was too... shocked. And confused. 

"C-Clare..." nautal si Dad nang mamataan si Mommy.

Tuloy ay napalingon din sa aking ina ang babae. Sa bilis ng lahat, ang sunod kong nakita ay ang sunod-sunod na sampal na natanggap ng aking ina.

"Walang hiya ka! POKPOK ka! Kabit! Makati! Pumatol sa asawa ng may asawa! Hindi ka na nahiya! Nagpabuntis ka pa at tumira rito! Putang ina mo mamatay ka na!"

Si Mommy ang sinasaktan pero parang ako. My body is pained as I eye my mother looking so helpless. 

"You are gold digging bitch! Ilusyunada! Bayaran! POKPOK!"

I closed my eyes and silently wished for Daddy to stop the girl. Dad please, save Mom. Please be like the heroes I see in movies. Please Dad.... please don't let the woman hurt my mother.

"Ambisyosa ka Clare! Sa tingin mo mababago ng lahat ng to ang buhay mo? Na aangat ka? You are very wrong. Kahit gaano pa kahigpit ang kapit mo sa ASAWA KO, hinding hindi mababago ang katotohanang isa ka paring hampaslupa. Palengkera! Pobreng taga isla!"

Ngunit mahina siguro ang naging wish ko. Hindi gumalaw si Dad. Tulala siyang pinapanood ang babaeng saktan si Mommy.

"Sana nanatili ka nalang sa isla! You whore!"

Sobrang naninikip ang dibdib ko. Gayunpaman, nagawa ko paring tumakbo. Nanlaki ang kanilang mga mata nang humarang ako. Ang panibagong sampal na dapat ay si Mommy ang sasalo ay nasalo ko.

"Claudine!" I heard Mom and Dad shouted together.

Parang nayanig ang mundo ko sa lakas ng sampal nung babae. I felt my cheeks heated and ache in pain. Hindi ko na nakita pa dahil kinaladkad ako ni Bench pero rinig ko ang galit na galit na si Mommy.

"Saktan mo na ako't lahat, huwag lang ang anak ko Marisa! Magkakamatayan tayo."

"Talagang magkakamatayan tayo Clare! Dahil PAPATAYIN KITA!"

Nanginig ang kamay ko pagkamulat ng aking mga mata. Tagaktak ang aking pawis, maging ang aking luha. Sa sobrang sikip ng dibdib ko, hindi na ako halos makahinga. Naupo ako sa kama at naihilamos ang palad sa aking mukha. 

Bakit... sa lahat ng alaalang kasama si Mommy... iyon lang ang maalala ko? Bakit iyong pinakamasakit pa?!

Fucking shit. You need to exhale, Claudine. You can't let those shitty memories pin you down again. 

Kinalma ko ang aking sarili at tinuyo ang sariling luha. Wala akong matakbuhan sa gabing ito dahil wala si Bench sa bahay. Nag-OJT kase. Si Hannah naman, busy sa asawa niya. Maging si Josh ay abala sa langit niya. 

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon