Kabanata 10

519 23 3
                                    

"Dapat hanging tong indention sa second line. APA ang format, eh." tinuro ni Hazel ang references.

"Si Gio niyan, ah."

Nanatili akong walang imik. Kasalukuyan naming pino-proofread ang research paper na ipapasa na namin sa susunod na linggo. 

"Nasaan siya?" Hazel eyed me like she's assuming I know where Gio is.

Napatingin din sa'kin ang iba naming kagrupo. Ikinrus ko ang aking braso at nagkibit-balikat.

"Hindi ko alam." malay ko ba kung nasaan ang mokong na iyon.

"Bakit hindi mo alam?" nag-angat ng kilay ang pabida naming leader.

Halos matawa ako. Anong klaseng tanong yan? Kailangan ba alam ko?

"Eh sa hindi ko alam eh." 

"Jowa mo yun, di ba?" sabat ng isa naming kagrupo.

Ngumiwi ako.

"Hindi ko nga jowa iyon." naririndi na ako sa kanila, ah. Noong grade 11 pa nila kami napagkakamalang magkasintahan. May iba akong boyfriend, no. Mas guwapo.

"Nasaan nga?" pangungulit ni Hazel.

Pumikit ako at tuluyang nairita. She's like this to me ever since we started the study. Ngayon ay napatunayan niya sa'king nakakairita nga ako for her. Huwag siyang mag-alala dahil pareho lang kami. She's equally annoying.

"Are you deaf? Or plain dumb? Sinagot na kita, diba?"

Tiniim niya ang kanyang labi at inirapan ako. Inirapan ko rin siya. What a bitch.

"Tama na nga 'yan. So ano nga ulit yun, Haze? Papaano na 'yan?" 

"We'll let Gio change that one. Sa kanya naka assign yan eh." 

"Huh? Eh pasahan na, ah? Paano kung hindi sumipot yun?"

"Edi puntahan natin sa bahay." 

Ngumisi ako sa sagot ni Hazel. Gotcha.

"Bakit pa pupuntahan sa bahay kung pwede namang baguhin nalang?" kunwari ay nagtaka ako.

Nag-angat ng tingin si Hazel sa'kin. Matalim iyon.

"Siya naman ang nagkamali, siya dapat ang bumago." giit niya.

Wow. Leader na leader ang mindset, ah?

"That's a waste of time. Ang dali lang namang baguhin, di ba? Do we really need to go to him for that when we can change that right now? Did you even inform about the APA format?" 

Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. 

"Oo nga, Haze. Wala ka namang nasabi, ah?"

"Nasa instruction iyon! Common sense nalang na kapag APA yung format ng body, edi pati references APA rin." 

Nanunuya akong bumuntonghininga.

"Hindi lahat ay kasing galing mo mag-isip, Hazel. Kaya sana, bilang leader ng grupo, you were considerate enough to elaborate the instructions clearly." panunupalpal ko.

"Gonzaga-"

"How dare you?" tumayo si Hazel, pulang-pula na ang pisngi ngayon.

Tamad ko siyang tinignan. Magkakrus parin ang braso ko habang nakaupo. 

"Ngayon mo sabihin sa'king wala kang gusto kay Gio. You'd go this far para ipagtanggol siya?!" halos umusok ang ilong niya.

Pinagtanggol ko ba si Gio? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah?

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon