Kabanata 31

594 29 4
                                    

"Dindin! Okay na. Nasabi na namin ni Chard!"

Tuwang-tuwa si Esme pagdating ko. Wala na roon si Richard dahil naging mabilis lang ang usapan. Syempre dahil masama pa ang pakiramdam ni Vince.

"That's great. I'm happy for you." pinilit kong ngumiti.

I'm still very much bothered by what happened just few minutes ago. Ang dami kong tanong at nakaka-frustrate dahil aware akong hindi ako makakakuha ng sagot unless magtanong ako kay Dad. Siya ang puno't dulo ng lahat ng 'to kaya siguro siya ang dapat kong komprontahin. Kaya lang, ano ang kasiguraduhang magsasabi siya ng totoo?

"Nakakatuwa talaga. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi naman pumalag si kuya. Sabi lang niya na dapat hindi raw ako saktan ni Chard at tsaka dapat, mag-aral parin kaming pareho. Iniisip ko ngang isama si Chard sa'min eh kapag umalis na kami rito para makapag-aral ako ulit cuz I don't think I can stand LDR with him."

Kahit papaano ay nalibang ako kay Esme. Mabuti nalang din at sa sobrang tuwa niya, hindi na niya nahalata ang katamlayan ko.

Lumipas ang ilang araw na wala akong ibang inisip kundi si Mommy at ang kaugnayan niya kay Lorna. Nagreplay iyon ng paulit-ulit sa utak ko at kahit na alam kong kung ikokonsidera ang kalagayan ng babae, pwedeng gawa-gawa lang iyon at pawang kasinungalingan, pero hindi ko parin talaga maiwasang mag-isip, magtaka at maghanap ng kasagutan.

All my life, I really thought Mom was once Dad's financial adviser. Doon daw nagsimula ang love story nila. Tandang-tanda ko pa noon kung papaano masayang ikinukuwento ni Mommy sa'kin ang naging simula ng kanilang pag-iibigan. Bata pa ako noon pero klaro pa iyon sa aking memorya. 

Hindi ko na nga lang nalaman kung papaano naging kabit si Mommy dahil sa mga sumunod na nangyari. 

"Talagang masarap 'yan! Luto kaya namin ng sister-in-law ko 'yan!" humiyaw si Esme.

Pinuri kasi ng kanyang boyfriend ang iniluto namin kaninang pesto pasta para sa pakulo niyang beachside picnic. Heto kami ngayon, nakaupo sa isang thick cream blanket. Ang tubig-dagat ay apat na metro ang layo mula sa'min.

I wasn't in the mood, honestly, pero hindi rin naman ako nakahindi lalo pa at sa gulo ng isip ko, kailangan ko rin talagang mag-unwind. Here with me and Esmeralda is Richard and Vince. Nakapalibot kami sa mga dala naming pagkain. Sandwiches, pasta, snacks, juice and bottles of Smirnoff. 

"Huy sister-in-law ka dyan." saway ko kay Esme.

Napasulyap ako kay Vince na ngayon ay nakatingin lang nang diretso sa dagat, walang pakialam sa ilusyon ng kapatid. Nakaupo siya, magkakrus ang dalawang binti habang itinutukod ang dalawang kamay sa buhanginan. Naka-board shorts siya at itim na sleeveless kaya litaw na litaw ang kanyang mahahaba, mabalahibong binti at well-toned na balikat.

Magmula noong magkasakit siya at iyong kamuntikang halik, hindi na kami masyadong nag-uusap. Hindi naman na talaga kami nag-uusap kahit noon pa, mas naging tahimik lang talaga kami pareho. Naging awkward narin ang atmosphere. I'm okay with it, tho. Mas maigi na 'to kesa sa nag-uusap kami at kung ano-ano na namang iniisip ko. Lalo na ngayong nagdududa narin ako sa nararamdaman ko para sa kanya.

"Ga, ligo tayo." rinig kong aya ni Richard kay Esme.

"Sige. Kanina parin talaga ako ligong-ligo, eh!"

Tumayo silang dalawa. Si Richard ay topless na habang si Esme naman ay kanina pa naka-bikini. Nilingon nila kaming dalawa ni Vince.

"Kayo?"

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi bago tumango. Kahit na hindi ko masyadong feel ang dagat ay mas gugustuhin ko namang maligo nalang kesa maiwan kasama si Vince. Nakita ko siyang umiling, eh.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon