3

85 4 0
                                    


Nasa tabi ako ni ma’am Anabel habang nagbibigay ng instructions sa aming klase. “Umupo na ang lahat class! Ipatong sa ibabaw ng desk ang eksaktong bayad upang mabilis tayo, please lang. Adrienne please collect the money.” Go signal ni ma’am nang sumunod na ang mga ito. Iniwan ko sandali ang mga test papers sa table upang hindi mahirapan.

“Ma’am ako na po ang mangongolect sa boys?” malakas na boses ni Ruther ang narinig sa room. Nagtawanan ang ilan naming kaklase. Nahanap ko ito na nakatayo na mukhang handa sa gagawin. Inirapan ko ito saka nag-umpisa na sa pangongolekta.

“Maupo ka na lang d’yan Mr. Cruz.” Sabi ni ma’am na hindi man lang pinagbigyan ang kapitbahay ko.

Mabuti nga! Sa isip-isip ko.

Naging mabilis naman ang pangongolekta ko dahil sumunod naman sila sa instruction ni ma’am, ngunit nang mapunta ako sa huling hanay ay napairap na lang ako.

“Franklin nasaan ang bayad mo?” ayoko na ang magsumbong pa sa teacher at ang lakas maka-isip bata lalo na at mga simpleng bagay lamang ito.

Tumingin lamang ito sa gilid nito. Bumuntung hininga ako at ‘di ko na naman napigilan ang pag-irap.

“Ruther akin na ang bayad?” Binigay kasi lahat sa kanya ang bayad. Isa isa na naman nitong nilapag ang mga bayad habang binabanggit ang kanilang mga pangalan.

“Iyong sa’yo?” tinaasan ko ito ng kilay dahil hindi ito naglalabas. Hinaplos nito ang kanyang batok saka ngumiti sa akin.

“Ikaw muna ang magbayad.” Namumula ang kanyang mukha ngayon.

“Bakit ako? May pinatago ka ba?” lalong lumapad ang ngisi nito. “So pwede akong magpatago sa’yo?”

“Oo pero hindi ko na ibabalik.” Sagot ko.

Tumitig ito sa akin, mukhang may gustong sabihin pero hindi naman nito natutuloy. Hindi kaya ito nangangalay sa kakatingala sa akin?

I crossed my arms. Nalaglag ang kanyang tingin sa aking mga kamay at saka mas lalong pumula ang kanyang mukha. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang bigla itong tumayo, ako na ngayon ang nakatingala sa amin. Magkalapit na magkalapit kami.

And just like that, my heart beats fast like it has an own band marching.

Tumalikod ako. “Bayaran mo ‘to! May interes.”

Tumawa na naman ito. “Lakihan mo. Iyong malulunod ako.” Kahit na nakalayo na ay ramdam na ramdam ko pa din nakatingin ito sa akin.

Naupo na ako matapos ibigay ang mga test papers.

Nang matapos naman ang exam ay mabilis din kaming iniwan ng aming teacher. Naghihintay na lamang kami para sa susunod na subject. Tumayo ako upang makapag-cr na, may pagkamasungit pa naman ang susunod na teacher.

Nagtama na naman ang mata namin, hindi ko ito pinansin at diniretsyo ko na lang ang tingin sa pupuntahan. Nang nasa pintuan ay tumayo din ito, tila haharangin ang gustong lumapit sa cr na parati naman na nito ito ginagawa.

Nang maupo ako ay umupo na din ito sa upuan niya. Ganito parati ang kanyang ginagawa, kinakantiyawan na ito pero hindi naman nito pinapansin.

“Good morning Sir!” bati naming sa aming head teacher na mukhang nagmamadali. Wala na sa harap ang aming head teacher pero hanggang ngayon ay naiisip ko pa din ang kanyang sinabi.

Solidarity night for junior and seniors. Marami pang sinabi pero ito lang ang tumatak. Gastos na naman. Mas nainis lamang ako nang tumingin ako sa paligid at lahat sila ay mukhang masaya at excited na.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Where stories live. Discover now