22

25 2 0
                                    

Kahit na nasa akin na ang kanyang numero ay wala akong naging lakas upang tawagan siya katulad ng aking pinlano sa nagdaang ilang araw. Sa bawat subok ko ay naaalala ko ang sinabi ni Aleah.

Ano nga ba ang nangyari sa kanya nang iwanan ko siya? Bakit parang sobrang laki at seryoso ni Aleah.

He became a successful engineer at wala akong makitang ibang mali, kundi ang hindi niya ako kasama sa kanyang pagtaas.

Friday ngayon at nalaman ko na pupunta sila isang ekslusibong club ayon kay Aleah. I dressed up sexily to see how those big round eyes of him will drop, naiisip ko pa lamang natutuwa na ako.

Lucy look at my body from my bossom down to my feet. Nakita ko ang wala sa oras na kanyang paglunok at pagbaling sa ibang direksyon.

A bright red lipstick and smokey eyed, paired up with my skimpiest dark blue dress na galing pa kay Jane at mataas na takong. I smiled inwardly at my reflection in the mirror. Pinulot ko ang white sling bag na nakapatong sa aking higaan at lumabas na ng kwarto.

Sa labas ay naabutan ko si Lucy na nagsusulat at kaharap ang kanyang bible. Muli ay nakita ko ang pagpasada niya ng tingin sa aking katawan bago ang mukha. Tumikhim siya bago nagsalita.

"I think it's cold outside.. aniya habang kumukurap-kurap at namumula ang pisngi, maybe you should try to bring a jacket with you." Sabi niya.

"Nah I'm good, but thank you." Sabi ko bago bumeso sa kanya at paghahanda na sa pag-alis.

"Take care.. umuwi ka ng maaga." Pahabol niya. Nginitian ko lamang siya bago tuluyang lumabas sa aming condo.

Habang papunta sa aking sasakyan ay hindi ko naiwasang isiping tama ang sinabi ni Lucy. It's really cold outside, habang ang kalangitan ay ubod ng dilim at wala man lang makita kahit isang butuin, wala din ang buwan na isa sa nagbibigay liwanag. Ang ihip ng hangin ay malakas at malamig sa balat.

Kulang na lamang ang maraming puno katulad ng sa gubat at ang mga lobong umaalulong sa aking imahinasyon dahil sa nakikita.

Maaring naramdaman nila ang madilim kong plano ngayong gabi.

Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa sinabing bar. Ibinigay ko ang susi sa taong naka-abang at mabilis na pumasok. Niliitan ko ang mata ko papasok upang makapag- adjust sa mga malilikot at makukulay na ilaw na patay sindi.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan at nakita ang mga masayang nagsasayawan sa dancefloor, sa gilid naman ay mga taong may mga kapares at mga nagtatago sa ginagawang milagro. Sa bar counter naman ay may iilan din na nakaupo at tahimik na umiinom at nagmamasid.

Sa itaas sa ikalawang palapag ay ganoon din. Naramdaman ko ang kusang pagtaas ng aking mga kilay nang magtagpo ang aming mga mata.

Mapaglaro ang ipinakita kong expression samantalang ang kanya'y madilim at hindi mabasa ang nasa isip nito. Nakipagtitigan ako at sa huli ay binawi niya ito sa pamamagitan ng pag-irap.

Her waving hand caught my eye. She's wearing a silver spaghetti strap dress, and her pink lipstick that never get out of style when she's wearing it. Nakita ko sa kanyang tabi ang nakapulupot na kamay ni Zach sa kanyang bewang.

Suddenly, I felt jealous. How I wished Ruther will do the same with me.

I walked toward their place, habang papalapit ay palakas na ng palakas ang kabog ng aking puso at hindi maiwasan itago ang sumisilip na ngiti sa aking labi. Halos lalaki ang mga kasama nila at tamang tama ito para sa aking ginawang plano.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Where stories live. Discover now