18

36 3 0
                                    

"Kumain ka muna." Aniya bago nilabas ang mga laman ng paper bag.

Adobo at leche flan ang laman nito.
Mas lalo lamang akong nairita.

"Kumain ka na lang muna. Please.. Yen." Pagod niyang sambit saka hinila ang buhok.

"Kung pagod ka na.. tumigil ka na! Wala naman nagpupumilit sayo'ng gawin ito!" Sigaw ko.

"I'm not tired Yen.."

"Kung ikaw hindi. Ako pagod na pagod na! Tangina Ruther pagod na ako! Ubos na ubos na.. kaya pwede ba tigilan mo na ako!"

"Maghiwalay na tayo!"

Tinapon ko ang pagkaing hinanda niya. Gusto kong magalit siya, magsawa at mapagod na..

Hindi ko kailangan ng awa..

Pagod na pagod na ako kakataboy sa kanya..

Parati lamang siyang umiiyak sa akin.

Telling me what he needed to do.. so we will be alright again..

I will be alright again..

Kung alam ko lang.. Bakit hindi ko pa sinabi? Bakit pa ako magmumukmok nang ganito kung alam ko ang sagot.. kung paano bumalik sa dati..

Pero hindi.. Ang alam ko lang ngayon..

He's the one causing me to feel more depressed.

Para akong kandila na unti-unti natutupok.. at siya ang apoy.

Kailangan kong lumayo sa kanya..

Nagpatuloy ako sa ginawang sariling buhay..

Limang buwan na ang lumipas pero parang kahapon lang nang mawala si Mama.

Hindi 'to magugustuhan ni Mama.
She didn't want to let me stuck on this situation.

I needed to get up.. I needed to move on.

The world will not stop.. if I stop living..

Maaga akong gumising upang kuhanin ang mga credentials ko sa university.

Naabutan ko siya labas na natutulog.

Hindi ko ginising at mabilis na umalis.

Ayokong habulin na naman ako.

"Thank you so much ma'am!" sambit ko habang nasa loob ng registrar.

Inabot din sa akin ang mga bank and companies na may offer sa amin.

Paglabas ay isa-isa ko itong tiningnan. At agad na napukaw ang aking pansin ng isa roon.

"Sonwatt Company" isa itong kilalang international company ng mga beauty products at iba pa.

Pag-uwi din ay naabutan ko siya sa loob, nagluluto.

Hindi ko pinansin at dire-diretsyong pumasok sa kwarto.
Chineck ang mga mga E-mail at nakita nga ang hinahanap.

Mabilis akong nagreply sa kanila.

Alam kong late na pero sana.

Sana matanggap ako.

"Where did I go wrong Adrienne please answer me?" he said while crying.

Sawang-sawa na ako sa araw araw ay ganito ang parating naririnig.

"Hindi ko alam Ruther. Sige na pakiusap pakawalan mo na ako. Sawang sawa na ako. Wala na akong maramdaman sa'yo!"

Nanghihina kong pakiusap, pagod na pagod na ako sa pagpapaintindi sa kanya.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Where stories live. Discover now