27

17 2 0
                                    

...

Pinakinggan kong mabuti ang naririnig.

"Shit!" Napapaos kong sambit.

"Sorry.. baby huwag kang makinig kay Nanay." Mabilis kong bawi.

Tiningnan ko ang orasan sa gilid at nakita ng oras. Alas singko pa lamang, sino naman ang kakatok sa akin ng ganitong oras?

Kinabahan ako bigla at parang biglang nahilo. Natunton na ba ako?

What I'm going to do?

Hindi ako makapag-isip. Tanggapin ko ba? Paano pag nalaman niya ang pinagbubuntis ko?

Okay na ako sa gawa-gawa kong kwento na isang Marino ang tatay niya at nawala sa dagat.

Nagpatuloy ang ginawang katok kaya naman tumayo na ako at nag-ayos ng ilang sandali bago lumapit sa pintuan. Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang pinihit ang door knob.

Kumunot ang noo ko nang makita ang mga nakatatanda kong kapitbahay na balot ng makukulay na jacket at bonnet. Malaki ang ngiti nila nang makita ako.

"Ano pong.. ano pong kailangan niyo?" Nauutal kong tanong.

"Ayy nako hija naisip ko lang na isama ka sa aming jogging at maganda sa iyo ang makalanghap ng sariwang hangin." Ani aling bibay bago tumingin sa aking tyan na wala pa din umbok.

Kaya naman kahit inaantok pa at wala sa kondisyon ay napilitan akong magpalit ng damit. Nakaupo ako at inaayos ang sapatos nang silipin ang matatanda na parang ginaw na ginaw.

Nang maayos na ay tumayo na at lumabas na.

"Tara na po." Yaya ko sa kanila.

Mabuti na lang at gaya-gaya ako kung 'di  ay nanigas na ako sa lamig. Naglalakihang at nagtataasan na puno ang mga dinadaanan namin, ngayon lang ako nakapunta dito. At kahit madilim ay kitang-kita mo ang ganda ng paligid.

Maglalakad-lakad lamang daw kami papunta sa dagat. Na-excite naman ako.

Unti-unti na lumilitaw ang haring araw at ang dala nitong liwanag. It never fails on showing how beautiful and wonderful he was..

Nang may madaanan kaming nagtitinda ng pandesal ay bumili ako at iyon ang kinakain namin habang naglalakad.

Maliwanag na sa paligid nang makarating kami sa kanilang sinasabi.  Naglalakihang mapuputing bato, mga bundok, mga talahib na mahahaba at ang dagat.

Malamig ang ihip ng hangin. Pinikit ko ang mata sa payapang pakiramdam na dulot nito.

Umarkila kami ng isang cottage na mayroong Videoke. Hindi naman ako mahilig doon pero ang mga kasama ko ay parang mga teenager na kinikilig kakaisip ano ang kakantahin maya-maya.

Nakatingin lang ako sa mahinang alon ng dagat. Nagmumuni-muni.

"Yen.. almusal muna tayo."

Kaya pala may dalang backpack si ate Precy ay mga pagkain ang dala nito.

Fried hotdogs, eggs, tuyo, rice and pancit are on the table.

Natakam agad ako sa pancit at tuyo. Kinagat ko ang ulo ng tuyo nang magsalita si aling bibay.

"Dahan-dahan sa maaalat Yen."

Napangiti ako. Kahit papaano ay may ka-alalay pa din ako. Kahit na hindi ko pa sila gaano kakilala ramdam na ramdam ko pag-aalaga nila.

Nang matapos kumain ay nagkwentuhan sila na hindi ako makarelate kaya naman tumingin ako sa paligid at tiningnan na lamang ang mataas na bundok.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat