28

29 2 0
                                    

...

My father's name was written on the paper.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang nararamdaman ko.

Galit ba?

Pangungulila?

Malungkot kung bakit ngayon lang nagparamdam? O masaya dahil kahit papaano ay naaalala pa ako..

Mabilis akong nanlamig nang mabasa ang nilalaman.

Napatingin ako sa kalendaryo..

Isang buwan na pala mula noong mamaalam siya.

Napaupo ako at hinaplos ang aking tyan.

Hinayaan kong tumulo ang aking mga luha, tuloy tuloy lamang ang bawat patak nito.

Walang salitang namutawi sa akin at kahit magisip ay hindi magawa.

All I know is I am in pain..

Akala ko hindi na ako maaapektuhan.
Na wala na akong magiging pake at magiging bato na lamang kahit anong malaman sa kanya. Na galit na lamang ang natitirang emosyon ko para sa kanya.

But I was wrong..

Again and again.

Mistakes never really goes out of style.  They just change their appearances but they all do the same.

To cause havoc and despair, misery and regret, ruin you and leaving you lonely and alone..

Aside from the letter informing that he passed away, there are some land titles and private properties that's been transferred to me.

Kailangan ko na lamang kontakin ang nakalagay na abogado. Tiningnan ko kung ilang daang ektarya ang mga iniwang lupa sa akin. At isa pa ay ang isang kilalang pribadong hospital ay nakapangalan na sa akin.

Kahit tumambay na lamang buong buhay ang anak ko. Hindi ito gugutumin! But I will not let that happen.. ayokong lumaki na ang akala niya ay mabilis at parang pinupulut lang sa daan ang pera.

Alam ko na ang kahalagahan nito..

Isang karaniwang hapon lamang at noon ay pinapanood ko lamang ang mga nakatambay sa tindahan.

Ngayon isa na ako sa mga ito.

Kumakain ako ng pancake na tinda sa tindahan ni ate Precy.

"Hindi pa ba sumusipa si baby?" Si aling Bibay saka hinaplos ang aking tyan.

"Hindi pa nga po eh, pero sabi ni doc normal naman daw yun. Usually mga 20 weeks pero may iba naman na 18 weeks pa lang ay nararamdaman na."

Naitanong ko ito minsan nang makita ko ang katabi ko noong buntis na nakapila. Nakita ko kung paano may bumakat na kung ano man sa kanyang tyan at sa akin ay wala..

"Ah ganun ba. Eh ang gender ba ng anak mo alam mo na? Pakiramdam ko babae kasi lalo kang gumanda sa paningin ko noong dumating ka dito."

Napangiti ako.  Ako lang 'to guys!

"Hindi pa po, pero alam na ni doc."

Hindi ko alam kung ano pa ang hinihintay ko. Gusto ko ng malaman at the same time ay ayoko na muna.

Kahit na kating-kati na ako mamili ng gagamitin ni baby.

Bumalik na ako sa bahay nang mag alas kwatro na at kailangan ko ng magluto para sa hapunan.

Habang hinihintay na kumulo ang aking sinaing ay tumunog ang aking cellphone.

Napangiti ako nang makita kung sino ito.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Where stories live. Discover now