13

39 3 0
                                    


Aswang dahil parati kong napapabilis ang tibok ng puso nito. Gusto na nga daw nito mapatingin sa cardiologist at baka daw may mali na. Binatukan ko na sa dami ng alam sabihin.

“May white lady bang morena?” tanong ko nang manahimik ito.
He laughed so hard after what I said. Lumabas pa si Tita sa sobrang pag-aalala na baka mapano ang kanyang anak. Pulang-pula ang kanyang mukha habang inaabutan ko ito ng tubig.

“Akala ko may milagro kayong ginagawa.” Bulong bulong nito habang papalayo sa amin. Pakiramdaman ko ay sinilaban ako nang marinig iyon. Hindi ko na nagawa pang lingunin ang kasama ko.

“Patay na patay na ako sa’yo, Adrienne. H’wag mo na akong patayin…”

“Nagtanong lang ako!”

“I know. Wala kasi sa itsura mo ang mga tanong na ganoon.”

“Judger!”

Humiga na muli ako at tinalikuran ito. Naramdaman ko ang paghalik nito sa itaas ng aking ulo saka ako binalot sa yakap na mahigpit. Everything is so good to us. Simula nang maging kami ay hindi pa kami nagkaroon ng matinding pag-aaway kagaya ng nakikita ko sa aking kaibigan.
Maaga akong nagising at pakiramdam ko ay hindi ako nakatulog sa sobrang saya na papasok na muli ako. Nasa labas na ng aming pintuan si Ruther at hinihintay na lamang ako.

“Nakakuha ka?” salubong ko dito nang makalapit. Tinutukoy ang medical certificate na manggagaling sa pinsan niyang doctor.

He tilted his head while looking at me, carefully.

“Aha!” malakas na boses ang pagkakasabi nito. “Nag bangs ka? Ang ganda! Bagay sa’yo.” Anito habang nakatitig pa din sa akin. Lumapad ang ngiti ko nang pati ang maliit na baga ay napansin pa nito. Bored ako kagabi at naisipan ko ang mag bangs, nakita ko lang sa facebook.

“Ang ganda mo!” gigil nitong sinabi muli.

“Alam ko. No need to remind me.” Mayabang kong sagot. Humalakhak ito.

“Mabuti naman. Pero I will remind you always that.”

My perfect days are now gone now.

Agad akong sinalubong ni Aleah nang makita niya kaming papalapit sa aming room. Nanantya nitong tiningan ang aking katabi kaya naman mas nagtaka ako sa pinapakita nitong ekpresyon.

“Alam mo na?” tanong nito kay Ruther.

“Ang alin?” litong tanong ni Ruther.

“Gosh! Magpakita ka na sa teammates mo at sila ang kausapin mo.” Problemadong sinabi ni Ley. Hindi na nagdalawang isip pa na umalis si Ruther dahil kay Aleah. Seryosong seryoso ang mukha nito at nang magtama ang tingin namin ay nag-iba ang kaninang problemado. Awa, kung hindi ako nagkakamali.

“Ano ba iyon?” namamaos kong tanong. Umupo kami sa dulo ng upuan upang makapag-usap ng masinsinan.

Pinanood ko ang mahaba at kulot sa ibabang buhok nito na walang kagatol gatol na inipitan ng walang halong pag-aalaga. Stress ang babaeng ito t’wing ginagawa ito.

“H’wag kang mabibigla, huh.” Anito kalaunan.

“Hindi ko sure,” sagot ko dahil malay ko naman kung nakakabigla naman ang sasabihin nito.
Inirapan ako nito sa sinabi ko.

“Ano kasi… Ginawang representative si Ruther.”

I blinked and licked my lips. “Oh. Okay?”
Anong problema doon? “Anong grupo pala?”

“Escort si Ruther ng engineering at kapares nito si Carizza.” Parang kulog na isang bagsakan isinawalat sa akin. Natigilan ako at natulala ng ilang sandali. Pumait ang kaninang magaan kong pakiramdam.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Where stories live. Discover now