7

82 5 0
                                    


“I’m sorry,” mahina nitong sambit sa gitna nang mahigpit nitong yakap sa akin. Sa kabila nang mahigpit nitong yakap ay tila mas nakahinga ako ng maluwag. Sa kabila ng aming pagkakalapit ay mas naging komportable ako. Malamig na umihip ang hangin sa aking balat pero mas nanaig ang mainit na yakap nito na tila pumoproteka sa akin. Na kahit ang aking iniyakan ay tila wala ng kwenta ngayon…

“It’s okay… it’s not your fault Ru. Ang feelingera ko kasi.”

Kinalas nito ang yakap at tinitigan ako. “You don’t need the sash and crown to be called queen because you are already my queen. My Queen of my Heart.” He whispered. And like a tattoo, his words inked into my skin and bones.

The loud music, dancing lights on the dancefloor and the wild crowd did not successfully entice me. I just want a quiet night with him.

“Okay lang sa akin ang maglakad,” sabi ko kay Ruther na nasa tenga ang cellphone. Hindi na nito makontak sina Tita at mukhang nakatulog na. Eleven-thirty pa lang at bahagya pa akong natuwa nang sumuko na nang tuluyan si Ruther sa pagtawag.

“Sure ka? Naka-heels ka Yen,” paalala nito sa akin na tila nakakalimutan ko. “Promise okay lang, gusto kong sulitin ang gown no.” sinabi ko habang natatawa.

“Hawakan mo na lang ako,” nanlaki naman ang mata nito saka sinunod ang aking sinabi. Malapit lang naman ang aming lalakarin, lalo na at hindi naman mainit. Kaya kering-keri ang lumakad. Tahimik na ang kalsada at iilang bahay na lamang ang may bukas na ilaw. Tumingin ako kaliwa’t kanan nang kalsada at wala talagang senyales na may dadating na sasakyan.

Nasa kabila namin ang simabahan. Tumigil ako sa paglalakad nang may maisip na ideya. Hindi ko nga lang alam kung maganda.

“Ano masakit na ang paa mo?” malambing at nag-aalalanitong tanong. Pilyo akong ngumiti saka umiling.

“Evil plan,” bulong nito habang tinititigan ako. Natawa ako sa sinabi nito, ang lala mag-isip sa akin.

“Grabe ka sa akin, Ruther,” sagot ko habang natatawa. Bumitiw ako sa hawak nito saka naglakad sa gitna ng kalsada.

“Adrienne!” tawag nito at mukhang nagulat sa aking ginawa.

“Chill Mr.” natawa ako sa itsura nito mukhang nagpa-panic at tumitingin ng paparating na sasakyan.

“Sayaw tayo,” dugtong ko. Kumunot naman ang noo nito sa aking sinabi.

“Baliw! Sambit nito habang papalapit na sa aking pwesto. “Bumalik na lang tayo pala sa school kung gusto mong sumayaw.” Seryoso nitong sinabi.

“Eh ayoko doon.”

“Eh ayoko din dito. Mamaya, masagasaan pa tayo at wala iyon sa pangarap ko.” sinabi nito at mukhang hindi nga ito susunod sa aking gusto.

“Ayaw mo talaga?” kunwaring paninigurado ko, binura ko pa ang aking malapad na ngiti sa aking mukha.

“A-Ayoko Yen, baka may dumaan na sasakyan e,” sagot nito na hindi na katulad kanina na mukhang hindi mababali. Tumingin pa muli ito sa kalsada.

“Okay,” pagsuko ko tyaka tahimik na bumalik sa gilid ng daan at tahimik na naglakad habang buhat ang aking gown. Yumuko pa ako at hindi na ito hinintay.

At the back of my mind, I know he can’t resist me.  

I heard his deep sighed, then his voice.

“Tara na! Isa lang.” sumilip ang ngiti ko pagkarinig sa kanya at mabulis din itong binura nang lingunin siya. “H’wag na.” sagot ko saka muli itong tinalikuran.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن