9

85 5 0
                                    

Paglabas ay napataas ang isang kilay ko nang makita ang dalawa.

Carizza was talking and Ruther is listening. But his eyes… His eyes on his shoes while nodding to whatever Carizza was saying. Tumawa ang babae kahit na mukhang wala naman nakakatawa sa sinabi nito. Pinagmasdan kong mabuti ang babae at sa tinging ipinupukol nito kay Ruther ay alam na alam ko na. Babae din ako at ramdam ko ito.

“Ru,” tawag ko habang papalapit sa kanila. Nakita ko ang pasimpleng irap na ginawa ni Carizza saka ako hinarap na parang walang ginawa.

“Adrienne!” tawag sa akin ni Ruther na parang laking ginhawa nito nang dumating ako.

“Una na kami ng girlfriend ko, Carmen.” Sambit nito saka mabilis akong hinawakan sa kamay at mabilis na lumayo. Tiningnan ko kung lilingon ito, pero hindi. I smiled inwardly.

“Bakit tinawag mong Carmen?” tanong ko. mukhang iba ang pakilala ah?

“Hindi ba Carmen?”

Hindi na ako sumagot. Dahil nasagot na ang tanong ko. Unti-unti malapit na akong maniwala sa lahat ng sinasabi nito.

Kumikinang na siguro ang mata ko habang naglalakad-lakad. Pagkatapos naming kumain ng aming lunch ay nagpahinga lamang kami ng saglit bago tumuloy sa paglalakad-lakad. Naiiwan ang mga mata ko mga kung ano-anong nakikita.

Bukod sa pagmamahal ko sa pera na wala pa sa akin, mahilig din ako sa mga bagay na wala sa akin, sa bahay at ano pa man. Lalo na sa mamahaling mga kagamitan na nabibili ng pera. I am certified fan of money. I love them so much! At gagawin ko ang lahat magkaroon lamang nang sagana nito. Syempre gusto ko sa legal at malinis na paraan ko makuha no!

You can buy everything when you have money. Kaya mas gagalingan ko sa pag-aaral upang makuha sa isang magandang trabaho. I want to have a luxurious and extravagant life, na hindi ko nararanasan ngayon. I am happy now, but maybe I’ll be happier if I have the dream I really want.

I want to spoiled my mom. Gagawin ko siyang Donya. Bibilhan ko ito ng mga mamahaling appliances, bag, sapatos, at mga bagay na hindi naman talaga naming kailangan. Bibili ako ng lupa at ipapatayo ang aking dream house para sa kanya.

Nang sumakit ang paa ay kumain kami ng meryenda, inirapan ko ito nang inilagay lamang sa aking bag ang binigay kong share sa aming pagkain. Tumawa lamang ito, kahit sapakin ko ito siguro ay tatawa lamang ito. Ganoon ata kapatay na patay si Ruther sa akin.

Ang huling destinasyon namin ay ang bookstore. Magtitingin kami ng mga gamit na pwede na naming bilhin. Sa huli ay ballpen at iilang notebook lang ang aming nabili.

Bumilis ang araw para sa akin, at ilang tulog na lamang ay papasok na kami. Mga first year college na kami! Nakaupo kami sa isang bench habang pinapanood ang lumilipad na eroplano ngayon, sa sobrang gala ni Ruther ay napunta kami ngayon sa Florida.

Pampanga pa din naman…

Naalala ko noon, t’wing naglalaro kami sa labas at may makikitang eroplano. Titigil si Ruther upang pagmasdan ang lumilipad na eroplano, kakaway at sisigaw. Ang alam ko ay pangarap nitong maging piloto.
Naglaho bigla ang imagination ko na ito ang piloto sa chopper at ako ang sakay nito na magandang babae.

“Hindi ba dati gustong-gusto mo ang maging piloto?” kuryoso kong tanong. Maliit itong ngumiti saka tumingin sa langit.

“Ikaw na pangarap ko.”

Napairap ako sa sagot nito. “Baliw!”

“Sa iyo.” Dugtong naman nito. Malapit na talaga tumirik ang mata ko kakapa-irap sa akin ng aking kapitbahay.

“Seryoso nga.” Sinabi nito saka tumingin sa akin. I gulped when I saw his serious face.

“Nakuha ko na ang pangarap ko. At hindi ko na ito pakakawalan.” Hinaplos nito ang aking pisngi saka inipit ang takas na buhok sa aking tenga. “Gusto ko noon mag piloto kasi gusto kong maramdaman ang nasa himpapawid. Pero nung nagustuhan kita para na din akong laging nasa himpapawid. At t’wing naiisip ko na ako ang boyfriend mo para akong nililipad sa ere sa sobrang saya.”

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Where stories live. Discover now