5

64 4 0
                                    


Nanlalaki pa din ang mata nito habang nakatingin sa akin.

"Papasukan 'yan ng insekto," sabi ko.

He blinked five times.

"Magpapaligaw ka? Sa a-akin?" nauutal nitong tanong. Hawak-hawak din nito ang kanyang dibdib na parang may mahuhulog dito. I can't help but laughed at him.

"Oo."

Simula nang payagan ko itong manligaw ay mas naging OA ang kanyang mga dating ginagawa. Isang linggo na din ang nakakalipas.

Siguro kung papayagan ko ito ay kung maaring buhatin niya na lamang ako upang hindi maglakad ay ginawa na nito. Kung maari lang siya na ang ngumuya ng aking kainakain ay ginawa na nito. Ginagawa nito ang lahat ng tulong upang mas mapagaan pa ang aking pamumuhay, ngunit may mga bagay na kahit anong protekta ang gawin mo ay makakalusot pa din, at hindi mo ito kayang iwasan o sanggain.

"Bukas alas nuebe?" tanong nito. Tumango ako.

"Sige, hanap tayo nang parehas na kulay para couple," anito habang namumula ang kanyang tenga. Napansin ko na t'wing nagsasabi ito nang kanyang mga kaharutan ay namumula ang mga ito. Hindi na kasi masyadong bago sa akin ang pamumula ng kanyang pisngi dahil parati naman itong bilad sa araw kakalaro.
"Breakfast!" anito nang makita ko ito sa tapat nang aming pintuan. "Si Tita?" dugtong pa nito.

"Pumasok na. Pasok ka na din," yaya ko dito dahil nanatili itong nakatayo lamang sa labas.

"Ayokong pumasok."

"Edi 'wag."

"Hindi sa ganoon Yen, nanliligaw na kasi ako at mag-isa ka." Napatingin ako sa kanya nang bitawan nito ang mga salitang 'yon.

Kailan pa ito nakapag-isip nang ganito? Wala na ba talaga ang batang malaki ang mata at bully?

Hindi ko nagawang sumagot.

"Babae ka at lalaki ako, noon pwede pa dahil alam nilang bubugbugin mo ako. Pero ngayon ay baka bugbugin mo ako sa pagmamahal," sinabi nito habang natatawa. Napailing na lamang ako, sira ang ulo at bully pa din naman pala.

Kumain kami sa labas nang aming bahay upang mapanatag ang nerbyoso kong kapitbahay. Ako na ang umubos sa kanyang timplang kape. Nakatingin lamang ito sa akin habang ginagawa 'yon.

"Siguro totoo nga 'yung kapag nilawayan mo ang isang pagkain, tapos kinain ng isa ay mapapa-amo mo ito, no?" seryosong-seryoso ang mukha nito kaya hindi ko mabatukan.

"Bakit naniniwala ka doon?" subok ko pa.

"Oo, nakikita ko mismo ang resulta." Anito habang may maliit na ngisi na ito.
"Gago!"

"Gamitin natin sasakyan ni Papa?" tanong nito sa akin. Kumunot ang noo ko. "Wala kang driver license."

"Malapit lang naman," sagot nito.

"Wala ka pa din driver license."

Nasa gitna kami nang maliit na pagtatalo nang may tumigil na sasakyan sa aming harapan. Napairap ako sa kawalan. Alam ko na papanget na naman ang araw ko dahil dito.

Bumaba ang salamin ng sasakyan at nakita ko ang mukha ng kapatid ni Mama. Sinalubong kami nang nakaka-insultong tawa nito.

Matagal nitong tinitigan ang aking katabi, tila may kung anong meron sa kanya na nakuha nito ang interes nito.

"Mag-aasawa ka na n'yan." Hindi ito patanong. Mukhang siguradong-sigurado ito.

Madalas napapa-isip ako kung paanong naging kapatid ni Mama ang babaeng ito. Sobrang busilak nang kalooban ni Mama, iyong tipong sinaktan mo na magagawa pa nitong tanungin kung ayos lang ba ang nanakit. Mabuti na lang din at hindi ko nakuha iyon. Hindi ko kayang abusuhin ako nang walang natatanggap na ganti ang gumawa. Lalo na kung anak naman ng kadiliman ang may gawa.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt