14

44 3 0
                                    

It was always you

Fourteen

Nasa library ako.

Mensahe ko sa kanya bago pumasok nang tuluyan sa library. Ikatlong araw na ng pagpa-practice nila para sa pageant. Dito ako madalas tumambay at magpalipas oras habang naghihintay sa kanya. Ayoko naman manood at baka mabadtrip lamang ako, dito na lang ako at mag-aaral paano yumaman at magkapera.

Nagbasa ako nang nagbasa hanggang sa maramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Aleah. Amoy pa lamang kasi nito ay alam ko na.

“Bakit ka nandito?” bulong nito sa aking tainga. Humarap ako dito at masamang tinitigan ito. Malapit na akong maniwalang may lahing lamok ang babaeng ito. Mahinang humagikgik ito sa aking ginawa.

“Ako ang dapat magtanong sa’yo. Bakit ka nandito?” hindi ko alam kung bakit palaging parang kinikiliti si Aleah na hindi maaring hindi tumawa sa aking mga sinasabi. Tinakpan nito ang kanyang bibig nang mapalakas ang tawa nito.

Umamba ito ng isang hampas sa braso na mabilis kong napigilan. “Ang judger naman nito.” bulong muli nito.

Binalik ko ang sarili sa pagbabasa. Hinayaan ko ang kaibigan na magkwento habang nagbabasa. Nang mapagod ang aking mata ay inilibot ko ang tingin sa paligid ng library. Bahagya ng nanlalabo ang aking paningin. Pinikit ko sandali ang aking mata. Ngayon ko lang napansin sa aking sarili na habang nakapikit ay mas lumalakas ang aking pandinig, o baka naman pagod na talaga ako at hindi lang marunong mapagod ang bibig ni Aleah. Pwedeng pwede sa kurso ng edukasyon ang babaeng ito.

“Girl okay ka lang?” sabay kalabit sa akin nito nang mapansin siguro ako. Tumango ako habang nakapikit pa din at hinahawakan ang aking mata.

“Sakit na ng mata ko,” mahina kong reklamo. 

“Sus! Basa ka pa!” sisi nito sa akin. “Wala kang ibang ginawa kung hindi ang magbasa.” Pagpapatuloy nito.
Tinitigan ko ang katabi habang nanliliit ang mata. “Natural at estudyante ako.”
Natawa na naman ito dahilan ng mahinang saway galing sa mga law student sa gilid naming doon. Nandoon pala si Zac at mga kasama nito.
Mabilis na nanahimik si Aleah at ilang sandali lang ay nagpaalam na ito sa akin habang pulang pula ang kanyang mukha.

Hindi na din naman ako gaano katagal naghintay dahil nagtext na din si Ruther na nasa labas na ito ng library. Isinuot ko na ang tote bag na dala ang iilang libro na hiniram sa library at tuluyan ng lumabas. Naabutan ko si Ruther na mukhang bagong ligo dahil sa basa nitong buhok at bagong pares na damit na suot. Malayo pa lang din ang distansya namin ay amoy na amoy ko na ang mabangong pabango nito.
Mukhang sa bahay na naman nila ako didiretsyo nito. Kainis!

Kinagat ko ang aking labi habang pinagmamasdan itong papalapit sa akin. Hapit ang puting t-shirt nito sa kanyang katawan. Lumaki dahil sa pagsama nito sa gym kay Resty. Nang makalapit ay agad na yumakap ang kamay nito sa aking bewang at ang sarili ko namang kamay ay otomatikong kumapit sa kanyang matigas na braso.

Ngayon ko lang din napansin na bukod sa maraming pera at mamahaling bagay ay gustong-gusto ko din ang lumalaking katawan ni Ruther.
“Sakit ng mata ko.” sagot ko nang tanungin ako nito habang naglalakad papuntang terminal.

“Ipikit mo na lang muna mata mo,” natatawa nitong sagot. Pinalo ko ang braso nito habang natatawa din.

“Paano ako maglalakad baliw!?”

Ngumisi ito. “Buhat kita, ‘yung bridal style na buhat.” Anito habang nakataas ang isang kilay at hindi nabubura ang mapaglarong ngisi nito.

“Baliw.”

“Pagkatapos iuuwi kita sa aming bahay.”

“Ay grabe natatakot ako. Layo pa naman ng bahay niyo.”
Mas lalo nito akong nilapit sa kanyang katawan saka mabilis na hinalikan ang aking ulo. Hindi ako agad nakaiwas ngunit napansin niya ito.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon