His point of view

51 1 0
                                    

...

Hinihingal at pawis, pinunasan ko ang basang naramdaman ko sa aking noo gamit ang palad.

I looked around and saw my three older brother, running towards me.

Ngumisi ako nang makalapit sila sa akin.

"Ang bilis mo talagang tumakbo!" Si Kuya Ray, ang panganay na kapatid namin.

Mas lalo lumaki ang ngiti ko sa narinig.

I love running..

Lalo na sa utos ni Mama.

Dahil ako ang bunso parati ako ang inuutusan at 'yon ang pinaka ayaw ko.

"Ray!"

"Raymond!"

"Ryan!"

"Ruther!"

Sigaw ni Mama habang naka-abang sa  may daanan. May dalang mahabang stick, gabi na kasi at oras na upang maghilamos.

Sunod-sunod kaming lumapit, mula sa panganay hanggang bunso.

Nakita ko ang paghaplos ng aking mga nakatatandang kapatid kung saan banda ng pwet tinamaan ng stick.

Nang ako na ay tumayo ako ng matuwid at ngumiti ng pinakamatamis na sigurado hindi kayang tiisin ni Mama.

Hindi ako nagkamali! At walang pamalong tumama sa aking pwet bagkus ay kinarga pa ako pauwi sa aming bahay.

Perks of being bunso!

Favorite ni Mama.

I washed up with my three brothers. Pinagtutulungan ako sa paglilinis ng aking katawan. Nang matapos at makapagbihis ay dumiretso na sa kusina upang kumain.

Nakita ko sa lamesa ang ibat-ibang rekado ng ulam. Humigop ako sa juice na nasa aking harapan.

"Mamaya na 'yan Ar," paalala ni Mama.

Katabi ko si Mama sa pagtulog habang sa kanila kwarto ang tatlo kong kapatid. Wala si Papa at nasa abroad, nagtatrabaho.

Kusinero daw siya doon, at malaki ang sahod. Kaya naman kahit anong gustuhin ko ay nasusunod.

Lahat nauuto ko sa bahay.

I am the boss!

Pagkagising ko ay binuksan ko na ang TV at nanood ng paborito kong cartoons habang ang mga kapatid ay kung hindi nagsusulat, nagbabasa naman ang mga ito.

Parati din silang may honors, ako wala.

And my parents didn't really care, as long as I am happy and not a repeater.

Nang magsawa ay pinatay na ang TV at lumabas upang makilaro sa aking mga kaibigan.

Sila ang pinaka malapit sa akin, si Potpot at Pepay. Nang makita ako ay nag-aya na sila ng habulan na gustong gusto ko.

Nasa kalagitnaan na kami paghahabulan nang marinig ko ang tawag ni Mama sa akin.

"Taympers!" Sabi ko habang hinihingal, tumigil din sila upang maghabol ng hangin.

Lumapit ako kay Mama at agad na napasimangot.

"Kurutin ko tenga mo d'yan!" Banta niya nang makita ang ekspresyon ko.

Lumapit ako at kinuha ang pagkain ng mga bibe, mga alaga namin. Sumunod sa akin ang dalawa at pumunta sa likod ng aming bahay.

Napatigil ako nang makita ang isang batang babae,hindi siya pamilyar at kaidaran namin siguro.

Nakatingin sa aming mga alaga, mukhang natatakot.

"Machura!" Tawag ko sa kanyang pansin. Mabilis naman itong tumingin sa akin, matalim ang kanyang mata kahit wala naman akong ginagawa.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Where stories live. Discover now