4

76 4 0
                                    


“Chocolate ko Tito?” biro ko habang nagmamano. Kakauwi lang nito at nagpasundo pa ang anak nitong magaling.

“Sus! Tinago lahat ni Renz Ruther, ibibigay ata sa nililigawan,” anito saka tumingin sa kanyang anak. Tumingin din ako dito na sa akin naman nakatingin.

“Kay Adrienne ko ibibigay Pa,” sagot nito na mas nagpalakas sa halakhak ng kanyang ama. Wala talagang hiya itong kapitbahay ko.

Dumiretsyo kami sa kanilang bahay dahil sa pagdating ng kanyang ama. Maraming mga bisita, kumpleto din silang magkakapatid na puro lalaki at bunso si Ruther.

“Hello po Kuya Rai!” bati ko sa nakasalubong na panganay nila. Engineer na ito sa America at may maganda nang position doon.

“Uy!” halata sa mukha nito ang gulat. “Ang ganda mo na lalo, Yen. Kaya pala.” Anito saka tumingin na naman sa likod ko. Kung wala lang ibang tao ay sisikuhin ko ito e, kanina pa ako naiinis.

“Maiwan ko na kayo, kain na din kayo.” Habol pa nito, tumango naman ako.

“Gutom ka na ba? Kain na tayo?” tanong ni Ruther. “Hanapin ko muna si Mama,” sabi ko.

Napunta kami sa malaking living room at doon nakita si Mama, kasama ang magulang ni Ruther. Malaki ang ngiti nila habang papalapit kami. Kumunot naman ang noo ko dahil alam na alam ko na ang nasa isip nila.

Humalik ako sa pisngi ni Mama at nagmano kay Tita Liza. “Mga anak ko kumain na ba kayo?” nakangiti nitong tanong pero sa akin nakatingin.

“Hindi pa po,” sagot ko. Bumaling ito sa kanyang anak.

“Anak! Bakit hindi mo inaasikaso si Adrienne?!” May kung ano sa tinginan nila na mukhang sila lang ang nakaka-intindi.

“Tara na?” yaya nito sa akin. Tumango naman ako upang maka-alis na doon. Iba ang pakiramdam ko at iisa lang naman ang sasabihin sa akin. Si Ruther ganito. Si Ruther magaling sa ganoon.
Nakakasawang marinig.

Nang makaupo ay mabilis kong sinamaan ng tingin ang katabi ko. “Sorry, pagsasabihan ko sila.” Iniwas nito ang tingin sa akin habang sinasabi ito. Para itong masakit para sa kanya.

“Kuha na kita ng pagkain,” paalam nito.

Pinagmasdan kong naglakad ito papalayo sa akin. Malungkot ang kanyang matang parating puno ng buhay. May kung anong kirot akong naramdaman, normal pa ito o kailangan ko nang mabahala?

Wala akong gana kanina sa pagkain pero nang makita ko ang leche flan na dala nito ay na-excite ako. Napaka sarap kasing gumawa ni Tita Liza nito at bihira lang ito gumawa.

“Wow! May leche flan!” I stated the obvious.

“Oo, tinago ko. Hindi ko pinalabas,” anito habang may maliit na ngiti.

“Gago bakit mo tinago?” sabi ko bago tinikman ang leche flan na malamig-lamig pa.
He just shrugged his shoulder.

Busog na busog ako sa pagkaing pinakain sa akin ni Ruther, alam na alam nito ang mga hilig ko at hindi. Habang siya ay ang alam ko lang ay hindi ito mahilig sa pagkaing matamis.

Kumonti na din ang mga bisita at iilang malapit na kamag-anak at kaibigan na lang ang nandito.

“Uuwi na ako,” sabi ko sa aking katabing hindi umaalis sa tabi ko.

Mainit at naglalagkit na ang pakiramdam ko, gustong-gusto ko nang maligo.

“Paalam muna ako kay Mama, baka gusto na din umuwi.”

Umiinom sila ng wine nang masilip sila. Nang mapansin kaming papalapit ay nag ngising aso ang mag-asawa saka may kung anong sinabi si Tita Liza sa kanyang asawa na tumango sa sinasabi nito. Si Mama naman ay tahimik na nagmamasid lang sa amin.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Where stories live. Discover now