6

75 4 0
                                    


"Pre, chill." Si Resty habang tinatapik ang balikat ni Ruther. Mas matalim ang mata ni Ruther ngayon. Dahil ba sa nahuli niya akong nakatingin doon?

"Oo nga pre, alam naman naming na magaling ka talaga," sinabi nang chinitong tinitira ni Ruther. Tumatawa pa ito mukhang hindi iniinda ang mga bolang tumama.

Nagkibit balikat lamang ito at ilang sandali ay bumalik na ito sa pwesto namin.

"Hindi ka na maglalaro?" tanong ko. Umiling lamang ito saka pinanood ang bagong simulang laro.

"Pagod ka?" subok ko ulit.

Umiling na naman ito. Mukhang bad trip nga.

"You like him?" mababa ang boses nito habang nakatingin pa din sa harapan. Nilingon ko ito.

"Hindi, pero baka sina Pepay." Sabi ko.

"Gusto mo mga chinito, 'di ba?"

Napaka issue naman nito, napatingin lang e.

"Hindi a, gusto ko mga malaki ang mata," sabi ko habang natatawa. Umirap lang ito sa akin.

"Ano ka ba! Hindi ko nga gusto 'yon. Kung ikaw sana ang chinito baka maging type ko pa." sinabi ko upang hindi na humaba ang nguso nito.

"So gusto mo pala ako? Tanong nito.

"Tanga naman nito, syempre magpapaligaw ba ako kung hindi?" naiiling na lang ako sa kanya.

Nang tingnan ko muli ito ay may sumisilip nang ngiti sa kanyang labi. "Tara na nga meryenda tayo."

"Okodoki!" Nag paalam na kami at naiwan ang dalawang babae dahil mas gusto nilang manood.

Pumasok na kami sa malaking bahay nila. Naabutan namin sa teresa ang tatay nitong nagkakape sa katirikan ng araw. Nagbabasa din ito ng dyaryo at nang mag-angat ito ng tingin ay nakita kami.

"Oh! Ang paborito kong anak!" sabi nito habang nakatingin sa akin. Natawa ako habang nililingon si Ruther na nailing.

"Akong anak mo, Pa." pagpapa-alala nito.

"Umalis ka d'yan Ruther at panira ka."
Natatawa ako sa mag-ama. Kung pwede lang siguro akong ampunin nang mag-asawang Cruz ay ginawa na nila. Mabuti na lang at hindi dahil ang anak na lang nila ang aampon sa akin. Kinagat ko ang labi upang pigilan ang ngiti dahil sa mga naiisip.

Dinala ako ni Ruther sa kanilang entertainment room, binuksan nito ang lahat ng pwedeng buksan saka iniwan ako upang makapagluto na ng aming miryenda. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kanilang entertainment room at bahagyang namangha pa kahit naman madalas na ako dito noon. Ang laki na kasi nang pinagbago ng kanilang bahay, mas lumaki ang moderno ang disenyo ng kanilang bahay ngayon.

Nang ibalik ko ang mata sa telebisyon ay naghahalikan na ang dalawang bida. Mapupusok ang kanilang mga halik at nang tumigil ay namumula ang mga labi ng mga ito. Ilang sandali lang ay nagsimula na naman sila sa kanilang halikan na mas sabik at malalim.

Napalunok ako at tila nauuhaw dahil sa panunuyo ng aking lalamunan. Tapos na ang halikan nila pero sa aking utak ay malinaw at detalyado pa ang kanilang halikan.

Napalundag ako sa aking kinaka-upuan nang dumating si Ruther dala ang umuusok na pancit canton at buns. "Napano ka? Namumula ka?" puna nito. Hinaplos ko ang aking pisnging nag-iinit ngayon.

"Ah... ang init." Sa wakas nasabi ko.
Tinapat nito ang kamay nito sa electric fan saka tumango. "Mainit nga ang singaw." Anito saka binuksan ang kanilang AC.

"'Yan okay na?" tanong nito nang lumamig na ang paligid. Tumango ako saka mabilis na uminom sa malamig na juice nitong dala.

"Anong pinapanood mo?" biglang tanong nito. Naubo ako sa aking iniinom at mabilis naman nitong hinawakan ang aking likod. Agad akong umilag at para akong hihimatayin sa init. Bakit ba ganito? Nanood lang naman ako nang naghahalikan e!

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora