8

76 4 0
                                    


I bit my lower lips trying to hide my smile. Napapikit ako sa sobrang sayang nararamdaman. Gusto kong may mahampas sa sobrang tuwa ko.

"Kilig 'yan?" si Mama nang mapansin ako sa labas ng aming bahay. Agad kong tinago ang aking cellphone at umirap. Pinanood ko itong naghahanda para sa kanyang pasok sa trabaho. Nang mapansin akong nakatitig ay tumigil ito sa kanyang ginagawa.

"Bakit panget?" tanong nito.

"Ma! H'wag ka nga, mage-exam ako mamaya." Nakanguso na ako dahil sa kaaga-agang pang-aasar nito.

"Oh! Bakit totoo naman ah? Anong masama kaya doon."

Laking pasalamat ko na lamang at dumating na si Ruther. Iniwan naming humahalakhak pa din si Mama. Lakas na naman ng trip ng nanay ko.

Iilang pamilyar na mukha ang nakita namin sa school. May ilang hindi ko kilala ang lumapit kay Ruther at nakipag-usap. At sa mga usapan na iyon ay hindi nito ako nalilimutang ipakilala. Pansin ko din sa pila ang mga sulyap kay Ruther at mga bulungan galing sa mga babae. Nang lingunin ko ang lalaking nililingon nila ay sa akin ito nakatitig.

Tinaasan ko ito ng kilay. "Tinititigan ka nila," mahina kong sinabi dito. Kinamot lamang nito ang matangos na ilong saka hinawakan ang aking kamay.

"Ano nakatitig pa din?" tanong nito habang mariin itong nakatingin sa aking mukha. Nilingon ko ang mga babae kanina at biglang nag-iwas ng tingin nang madaanan ko sila ng tingin. I shrugged my shoulder.
Siguro ay kailangan ko na masanay na hindi na lamang ako ang naga-gwapuhan sa aking boyfriend.

Ilang sandali lang ay nagkahiwalay kami dahil sa ginawang alphabetical order. Nang maayos ang pila ay isa isa na kaming tinawag para sa nakahandang room sa amin.
Dalawang oras ang nakalaan na oras upang tapusin ang exam, hindi ako nahirapan kaya naman wala pang isang oras ay lumabas na ako. Dumiretsyo ako sa waiting shed na may tindahan, doon ang usapan namin kung sino man ang maunang matapos.

Bumili ako ng aking pagkain at umupo muna sa bakanteng table. May iilang estudyante ang dumadaan. Mga law student pala, mukha naman... Mga seryoso at may makakapal na librong bitbit.

"Can I?"

Napaangat ako ng tingin at mabilis akong tumango. Isang matangkad at maputing lalaki ang lumapit sa aking table, medyo punuan na kasi sa shed. At nang tingnan ko ang mukha. Ang gwapo!
Doon ko lang din namukhaan, ang anak pala ito ng governor.

Kinurot ko ang aking ilong nang mapagtantong pareho sila ng pabango ni Ruther.

"Mabaho ba?" nag-aalala nitong tanong sa akin.

"Ayy! Hindi po hehe," sagot kong mukhang tanga. Tumango naman ito at palakaibigang ngumiti bago nagpatuloy sa kanyang binabasa.

Busangot ang mukha ni Ruther nang maabutan ako. Tumingin ito sa aking ka-share na table. Ligwak ata ang gagi!

"Nahirapan ka?" tanong ko sabay sulyap sa aking relo.

"Inulit-ulit ko lang, baka magkamali ako." Anito habang nakakunot pa din ang noo.

"Tinatawanan mo ba ako?" nagulat ako sa biglang tanong ni Ruther sa lalaking kasama namin. Nag-angat naman ito ng tingin, may ngiti nga ito sa labi habang hawak ang libro.

"No. The case I'm reading," sagot nito. Mas lalo naman bumusangot ang mukha ni Ruther.

"Tara na nga," yaya ko dito at baka ano pa ang gawin. Mukhang wala ito sa kondisyon. Hawak ko ito sa braso habang papalayo sa table.

"Goodbye Adrienne!"

Parehong nalaglag ang panga namin ni Ruther nang marinig magsalita ang lalaki. Kulang na lang ay may usok na lumabas sa ilong ng aking boyfriend.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Where stories live. Discover now