12

42 3 0
                                    

Maaliwalas ang kalangitan at hindi gaanong mainit ang sikat ng araw ngayon. Ang malamig na hangin at nagsisi awitang mga ibon sa himpapawid ay maririnig mo. Ganito ang paborito kong panahon, iyong parang lahat ay aayon sa iyo dahil sa ganda ng panahon.

“Ma!” gulat kong sambit nang makita ang bulto nito sa aming munting kubo ni Ruther.

“Gulat na gulat ‘yan?” natatawa nitong sambit habang pumapasok.

“Wala kang pasok?” tanong ko nang makabawi. Umiling lamang ito saka tumabi sa akin at pinanood ang iilang magsasaka sa kalayuan. Panahon na muli nang pagtatanim.

“Mabuti pinayagan ka?” hirap na hirap kasi makakuha ng day off si Mama dahil parating kailangan sa store. Hindi naman ito sumagot, nagpatuloy ako sa panonood sa mga magsasaka. Grabe din ang hirap ng mga ito. Sila ang nagpo-produce pagkatapos ay sila pa ang walang maihapag minsan.

“Kumusta ka naman?” kalaunan ay tanong nito. Tumingin ako kay Mama saka muling ibinalik ang tingin sa harapan namin. Bihira na lamang kasi kami magtagal tulad ng ganito. Pareho kaming busy at nagmamadali lagi.

“Okay na okay po, nag e-enjoy ako, Ma.” Nakita ko ang pagtango nito sa gilid ng aking mata.

“That’s good… ‘yon ang importante, anak.”

Nagsimula na ang mga magsasaka sa pagtatanim. Mabibilis ang kanilang mga kamay sa pagtatanim at halos mapangiwi ako sa kanilang posisyon. May manghihilot ba sa kanila pag-uwi pagkatapos ng kanilang mahabang araw? Paano nila natitiis ang sakit at ngalay? Dahil pinapanood ko pa lamang ay ramdam ko na ang sakit at ngalay na mararamdaman nila.

“Ang galing nila,” si Mama. tumango ako habang hindi iniiwan ang tingin sa kanila.

“Kaya nga po, at the same time nakaka awa.” Hindi ko na naiwasan sabihin ang nasa isip.

“Then do something.”

“Huh?” lito ko itong hinarap. “What do you mean po?”

“Mataas ang pangarap mo hindi ba? Do something if you can…”

Mabilis akong tumango nang maintindihan.

“Naks! Magiging presidente ata ng Pilipinas ang anak ko, ah.” Natatawa nitong sinambit.

“Naks! First lady ka n’yan?” natatawa kong balik sa biro nito.

Napawi ang ngiti nito. “Buhay pa kaya ako no’n?”

“Ma!” matalim kong tinitigan si Mama.

“Joke lang ano ka ba.” Tumawa ito nang mahina. “Tyaka ano ka ba? Posible naman iyon, lahat pwedeng mangyari. Hindi natin alam kung hanggang saan tayo.”

“H’wag mo akong kausapin Ma!”

“Ang serious naman. Totoo naman ang sinabi ko, ah. Tyaka mas gugustuhin ko iyon no, ang mauna ako sa’yo.”

“Mama!” banta ko. I hate this topic. Hindi ko kayang isipin. Lahat naman tayo ay doon ang punta, hindi ko lang talaga kayang isipin lalo na’t mahal na mahal ko si Mama. Hindi ko makayang isipin ang mabuhay na wala siya.

“Sinasabi ko lang sa’yo… upang kapag dumating na ang panahon. Handa ka na-“

“Paano ako magiging handa Ma? Ano ‘yan pasko lang na paghahandaan?” nawala ang magandang timpla ko. Padabog akong umalis at nagkulong na lamang sa kwarto.
Kinagabihan ay nagka-ayos din naman kami. Sa kwarto natulog si Mama, mukhang na guilty sa pinagsasabi sa akin.

Maingay na naman ang aming covered court. Naglalaro sina Ruther na kasalukuyang lamang ngayon. 4th quarter na at ilang minuto na lamang ay tapos na. Technically ay panalo na sila sa laki ng kanilang lamang. Hindi kami agad nakalabas ni Aleah dahil sa biglang quiz sa amin ni Ma’am Santos.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Where stories live. Discover now