16

50 3 0
                                    


Ilang araw lang matapos ang simbang gabing dinaluhan ay muling nag-ayang balikan.

Pumayag ako dahil wala na naman masyadong gagawin, natapos na akong mag decorate ng aming simpleng Christmas tree.

Si Mama ay parati na naman late sa pag-uwi at maaga sa pag-alis. Ngayon sobrang busy ang mga grocery stores..

Ngayong maliwanag ang paligid ay mas lalong namangha sa ganda ng simbahan.

Natabunan na ito ng lahar pero tila hindi ito naging hadlang upang mas lalong gumanda. Sa ikalawang pagkakataon ay napukaw muli ang atensyon ko ng malaking cross sa gitna at sa loob nito ay ang imahe ni Jesus sa pagitan ng salamin..

T'wing napapatingin ay hindi ko malaman ang nararamdaman o ano ang naiisip.


"Baliw ka! Nakakahiya!" May diin kong sambit kay Ruther na hinihila ako papasok ngayon ng simbahan.

"Titingnan lang natin ang mga requirements."

Kakaunti na lamang ang mga tao sa loob para sa araw na 'to.

Magkahawak kamay kaming binabasa ang mga requirements na naka post sa bulletin board ng simbahan..

"Madali lang pala ang mga requirements eh." He said.

"Madali. Madali bakit? Papakasalan mo na ako?" sagot ko.

"Natural! Bakit ikaw wala kang balak?" Balik tanong niya.

"Nag-ano na nga tayo Ruther paanong hindi ko pa naisip ang magpakasal sa'yo!"

"Bunganga mo Adrienne, nasa simbahan tayo." Aniya habang tumitingin tingin pa sa paligid.

"Ikaw kasi. Parang tanga!"

"Papakasalan mo nga ako?" aniya habang nangingiti.

Aba! Parang ayaw pa maniwala ng lalaking ito ah!

"Gusto mo ngayon pa eh!" Panghahamon ko sa kanya..

He smirked at my answer..

"Hintayin mo ako d'yan.." he said before leaving.

Nilibang ko na lamang ang sarili sa pagbabasa tungkol sa mga missions ng parokya at habang nakikinig sa instrumental music ng simbahan.

Maya-maya pa ay dumating na si Ruther na may malapad na ngiti.. Ngiting may ginagawang kababalaghan..

Habang dumadaan sa hallway ng simbahan ay narinig ang biglang pagbabago ng instrumental music na ngayon ay aming paboritong kanta.

"Yellow by Coldplay.."

Bigla akong kinabahan..

Habang papalapit ay mas lalong nakukumpirma ang naiisip. Tumigil kami sa harapan ng altar. Malaki ang ngiti ng kasama habang ako ay hindi na makangiti sa sobrang kaba..

"Let's get married.." he whispered.

Tiningnan ko ang suot, isang black oversized shirt at faded pants habang ang kanya ay puting t-shirt at black jeans..


Tumango ako bilang sagot. At sabay na humarap sa altar. And whispers some prayers.. after that, we faced each other..

Eye to eye, two hearts with the same rhythm, and one soul connecting two bodies.. Promising a lifetime with each other, for better or worse.. We will have each other. Will love each other until the end of our lifetime..

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن