15

40 4 0
                                    


Pagtaas ng kanyang damit ay mabilis akong inihiga sa kanyang kama at mabilis na sinunggaban ang aking labi. Kagagaling lamang nito sa pagligo at ito ang unang inatupag niya. Pinigilan ko ang sarili kong mahulog sa mga halik nito.

“Tumigil ka nga sandali” halos hindi ko mabigkas nang maayos ang mga salita dahil ayaw nitong humiwalay sa labi ko.

“Hmm…” pulang-pula ang labi nito nang mag-angat ng tingin sa akin habang naghahabol ng kanyang hininga. “Sorry.” Anito saka bumangon at umupo ng maayos. Nagkakatitigan kami, malapad itong ngumiti.

I cleared my throat. “Patingin,” sinabi ko bago pa ako makuha sa kanyang nang-aakit na ngiti.

Kinuha nito ang kanyang unan saka tinakpan ang harap ng kanyang itim na short. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nito saka mabilis na lumapit at pinaghahampas ito.

“Siraulo ka talaga!”

Tumawa naman ito nang malakas. Buong pagtawa nito ay nakatingin lamang ako nang masama sa kanya at bahagyang nahahawa sa tawa nito.

“Seryoso na ako, patingin nga.”

Umakto itong nahihiya. Dinampot ang malapit na unan sa tabi.

“Nagustuhan mo?” mabilis akong tumango, dahilan muli nang malakas nitong pagtawa.

“Ano mas gusto mo ‘yung tattoo ni Adam Levine o ito?”

He tilted his head, like a curious cat.

“Syempre kung ipa-tattoo ba naman ni Adam Levine ang pangalan ko edi doon.” Pambibwisit ko sa kanya. Alam naman kasi na impossible at itatanong pa ‘yon. Nang magkita ang aming mata ay inirapan ako nito at saka tinalikuran ako. It’s my turn now to laughed like a kid.

“Kahit sino pang celebrity ang magpa-tattoo ng pangalan ko. Iyong sa’yo lang ang magugustuhan ko. Naiintindihan mo ba iyon Renz Ruther?” Hindi ito gumalaw sa kanyang posisyon.

“Nagtatampo ka ba? Parang tanga naman, ikaw lang gusto ko, ikaw lang mahal na mahal ko.”
Sinabi ko ngunit parang walang epekto pa din ito. Dahan dahan akong lumapit at sumilip sa kanya.

Malaki ang ngisi nito nang makita ito. 
Binatukan ko. Tumatawa itong humarap sa akin, napansin ko ang hawak nitong cellphone. 

”Kahit sino pang celebrity ang magpa-tattoo ng pangalan ko. Iyong sa’yo lang ang magugustuhan ko. Naiintidhihan mo ba iyon Renz Ruther?”

“Nagtatampo ka ba? Parang tanga naman, ikaw lang ang gusto ko, ikaw lang ang mahal na mahal ko.”
Sabay kaming natawa habang paulit-ulit nitong pinlay sa kanyang celphone ang ni-record. Ginawa pa itong ringtone. Hindi ko na alam kung matutuwa pa ako o babatukan ko na.

Sa sumunod na araw ay nag-ayos na lang kami ng aming mga clearance at tapos na ang aming unang taon sa kolehiyo. We survived our first year in college. Hard and challenging, but at the same time. We had fun, learned, and experienced a lot! Not all good experiences but at least we’ve overcome it and done with it.

“Happy birthday to you.” Sabay naming kinakanta ni Ru habang hawak ang naman ang cake para kay Mama.

“Make a wish.” Sabay lapit ko sa cake matapos ang kanta. Tuwang-tuwa si Mama. naniningkit ang kanyang mata sa tuwa.

“Thank you, mga anak ko.” sambit nito matapos hipan ang kandila. Ilang sandali lang ay nilabas ni Ruther ang isang malaking box na hindi ko alam saan nito naitago. Inirapan ko ito nang magtama ang paningin naming. Tumawa ito.

“Ang sipsip naman.” Komento ko dahilan nang tawanan nila Mama.

Dinagdagan ko ang pagkain para kay Mama. napansin ko ang biglang pagpayat nito. lumapit ako sa lamesa naminn, kung nasaan ang dalawa.
“Ang dami naman n’yan anak.” Sinabi nito matapos makita ang kinuha kong pagkain para sa kanya.

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum