s.c

27 1 0
                                    


....



Pinapanood kong ilapat ng aking asawa ang maliliit na paa ni Kidlat. Natawa ako nang makitang hindi na maipinta ang itsura ng aking anak.



"Tama na Ruther, baka umiyak na naman 'yan," pigil ko dahil mukhang nage-enjoy siyang paiyakin.


Tinigil niya naman ito at ngayon ay tinataas naman ito sa ere na gustong gusto ni Kidlat.


"Ma'am okay na po ba ito?"  Tumango ako.


"Yes, pakidala mo na lang kay attorney ha?"


"Okay Ma'am, noted po," anito saka umalis na.


Tumingin ako sa malawak na bukirin at nilanghap ang sariwang hangin.


We decided to buy a lot of rice fields. Ewan ko ba at ginawa naming literal ang salita ni Mama. Pero ang aming balak ay mamigay ng mga maaani sa mahihirap, makinabang ang mga magsasaka nito. At ang mga walang-wala talaga.


Alam ko ang pakiramdam ng pagiging mahirap. Na kahit gustuhin mo man ay maraming ibang sirkumstansiya ang dumadating. Kahit gaano mo pa ito pag planuhan at kalkulado, hindi mo mababasa ang mangyayari bukas.


Kaya ngayon na nabigyan ako ng pagkakataon na makatulong ay sinasamantala ko..



Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking kabilang bewang.



"Uwi na tayo?" Malambing nitong tanong.


Tumango ako at nag umpisa na maglakad. Nagtaka ako na hindi ko siya kasabay, lumingon ako at nakita ko siyang nakatingin sa palayan saka humarap sa akin na malaki ang ngiti.



"Ano?" Natatawa kong tanong dahil nahahawa ako sa kanyang ngiti.



"Sinabi ko na ba sa'yo kung gaano ako ka-amazed at proud sa'yo?" aniya saka lumapit.



Tumawa ako. "Oo naman, idea ko pa lang ang lahat ng ito sinabi mo na."


"Yeah. Sobrang swerte ko sa'yo, binigyan mo ako ng ating Kidlat. Iniisip mo lahat ang kapakanan namin, pati kapitbahay.."


"Siraulo!" Nagpatuloy ako sa paglalakad.


Nag tanghalian kami sa kina Mama at nang matapos ay dumiretso ako sa kwarto namin ni Ruther para i-breastfeed naman si Kidlat.


Lumabas si Ruther galing banyo at tiningnan kami ng kanyang anak.



"So lucky, Kidlat. Tatay is so jealous of you."



Hindi ako nakatiis at binato ko ng naabot na laruan. Anim na buwan na ang anak namin at sa susunod na linggo ay bibinyagan na ito.



Anim na buwan na din na hanggang tingin lamang ang aking asawa. Puro ganyan lang siya 'di naman nangungulit. Hindi ko na din maisip dahil sa pagod.



"Ano? Gusto mo ba?" Tanong ko ng maibaba ang anak. Nasa mukha nito ang dalawa nitong kamay, tiningnan niya ako.



"Gusto na ayoko Nanay." He pout.



"Bakit?" Natatawa kong tanong habang lumalapit sa kanya.


"You're so hot at the same time I know you're tired because of our Kidlat," tiningnan niya ang anak at binalik ang tingin sa akin.


"Mabuti naman. Ipahinga mo 'yan." Sabay tapik ko sa baba niya. Tinalikuran ko siya at narinig ko ang mahina niyang mura.



Bumaba ako upang asikusahin ang mga ipapadalang invitations para sa ninong at ninang at iilang malalapit na kaibigan.



Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Apr 07, 2022 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

It was always you Bloom Series 2 🥀 (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt