CHAPTER 1: Back from the Start

61 16 30
                                    

"Nashy, baby!"

"Mommy!"

Sinugod ko ng yakap ni Mommy nang makita kong papasok siya sa hall ng kastilo. Nakikipaglaro ako kay Ate Ciana gamit ang tubig niyang kapangyarihan habang hinihintay ang paglubog ng liwanag dahil sa mga oras na iyon ay uuwi na sina Mommy at Daddy sa pagbisita sa buong imperyo.

"How's playing with your sister?" Nakangiting tugon at lumapit kay Ate Ciana at hinalikan rin ito sa noo.

"Okay naman po, Mommy. Saan po si Daddy?" Tanong ko habang tinitignan ang entrada ng hall kung naroon ba si Daddy pero wala pa ito.

"We have visitors coming. They're from the Fourth Empire, I'm sure you want to meet the little princes?" Tanong sa amin ni Mommy kaya napatingin kami Ate Ciana at malawak na ngumiti at halatang excited. Bagong kaibigan!

Excited naming inabangan ang pagpasok nina Daddy sa entrada ng hall. Magkasiklop pa ang kamay namin ni Ate Ciana. Sa edad na apat na taon, hindi ko alam pero andami ko ng nalalaman at hindi ako ignorante.

Naunang pumasok ang mga guwardiya sa Hall bago pumasok si Daddy. Yumukod lahat ng mga nasa loob ng Hall pagpasok ni Daddy, may kasama siyang isang babae at isang lalaki na sa tingin ko ay kaedad rin nina Mommy. Merong hawak-hawak ang babae na isang batang lalaki. Kulot ang buhok nito at halos tumatakip na sa mata nito ang ibang hibla ng buhok niya.

"Nashy, Ciana, this is Empress Sylvia and Emperor Clark of the Fourth Empire." Pakilala ni Mommy sa mga kasama ni Daddy.

Agad kaming yumukod ni Ate Ciana habang iniangat ang gilid ng palda namin at pinagkrus ang mga paa namin.

"Nice to meet you po." Galak na sabi ko.

Ngumiti ng malapad ang Empress. "Your daughters are very wonderful," Kapagkuwan ay lumingon ang Empress sa anak nitong seryosong nakamasid lang sa amin. "Clover, this is Princess Ciana and Princess Nashy of the First Empire. They are your new friends."

Agad na ngumiti ako kay Clover kahit na parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Tinignan niya pa ang Empress at ang Emperor bago ibinalik ang tingin sa amin at yumukod.

Medyo ngumiwi nalang ako sa pagkailang. Binalikan ko ng tingin si Ate Ciana na pumipilit nalang ring ngumiti at itinaas taas ang kilay niya sa akin.

"Sylvia, do you mind if I ask? Why is Prince Spades not with you?" Tanong ni Mommy sa Empress habang si Daddy naman ay lumapit sa amin ni Ate at kapwa kaming hinalikan sa noo.

"Have fun, okay?" Aniya bago umalis kasama ang Emperor ng ika-apat na imperyo.

Pabirong inikot ng Empress ang mga mata niya. "He doesn't want to come. You know the boy, he's not a social butterfly. Parehas na parehas sila nitong si Clover, ang pinagkaiba lang ay napilit namin si Clover pero siya hindi." Aniya.

Bumuntong-hininga lang si Mommy bago ko napagdesisyunang hilain ang suot niyang palda dahilan para yumuko siya at tignan ako.

Agad niya pinantay ang sarili niya sa akin. "Yes, baby?"

Lumingon muna ako sa Empress at kay Clover bago ibinalik ang tingin ko sa kanya. "Where are the other Empires, Mommy? Bakit ang Fourth Empire lang ang nandito?" Takang tanong ko

Hinawi ni Mommy ang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko bago ngumiti. "They are busy protecting their own empire, remember the monsters I told you?"

Taka kong tinignan si Ate Ciana. "The rebels?" Tanong ni Ate kay Mommy. Marahan na tumango si Mommy bago tinignan si Empress Sylvia na seryosong nakatingin sa amin.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now