CHAPTER 13: The Prophecy

27 7 1
                                    

"Nashy?"

Napalingon ako sa entrada ng kwarto ko nang makita kong sumisilip roon ang mukha ni Mommy. Nakasuot na siya ng damit pantulog, kagaya ko ay alam kong patulog na rin siya.

"Yes po?"  Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga. Kanina ko pa siya hinihintay para night routine namin, pero mukhang iba ang gagawin namin ngayon.

Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto habang suot-suot ang kanyang matamis na ngiti. Ako naman ay inosenteng nakatingin sa kanya. 

Nang makalapit siya sa akin, inilahad niya ang kanyang kamay na siyang ikinataka ko.

"Come, we're going somewhere." Aniya at kinuha ang mga kamay ko.

Kahit na naguguluhan, tumayo naman ako at sumunod sa kanya. Naglakad kami papalabas ng kwarto, nakaabot kami sa punong bulwagan at lumabas patungong hardin.

Hindi katulad nung araw na nasunog iyon, gumanda muli ang paligid sa tulong ng mga tagapangalaga ng kalikasan. Muli itong gumanda at bumalik ito sa dati nitong anyo. Ang kinaibahan nga lang ay nababalutan na ng proteksiyon ang bawat imperyo para masigurado ang kaligtasan ng lahat.

"S'an po ba tayo pupunta, Mom?" Kanina ko pa iyan tinatanong sa sarili ko at ngayon ko lang nailabas sa aking bibig. Masyado ng madilim, hindi ko alam kung saan pa kami pupunta. Importante ba 'to?

Binigyan ako ng tipid na ngiti ni Mommy at saka ako binuhat. Sa isang iglap ay nag-iba ang aming paligid, ang alam ko na lamang ay nasa harapan na kami ng Kahara Lake. Mas lalo naman akong nagtaka, ano't narito kami?

Dahan-dahan akong ibinaba ni Mommy sa lupa. Napagmasdan ng mga mata ko ay kumikinang na lawa ng Kahara. Mas maganda itong pagmasdan tuwing gabi, mas nakakakalma ng damdamin.

"Bakit tayo nandito, Mom?" Dahan-dahan akong umupo sa lupa katulad ni Mommy. Nanatili lang siyang nakatitig sa lawa, ngunit bumabahid sa kanyang mga mata ang pangamba, na hindi ko maintindihan kung bakit. Ano nga bang meron? Sana sinama namin si Ate.

"Nashy, you already know who is Kahara, right?" Nilingon niya ako.

Dahan-dahan naman akong tumango. "Opo, siya ang nakakakita ng hinaharap ng bawat immortals, pati na rin ang mga mangyayari at dapat mangyari." Nasabi na ni Daddy ang tungkol rito. Hinding-hindi ko 'yun makakalimutan.

Ngumiti siya bago humarap muli sa lawa. Bigla niya ibinabad ang kanyang kamay sa lawa at tila'y hinahaplos ito. Kapagkuwan ay nagsalita siya.

"Kahara, Kahara, the predictor of Majestia, show to my daughter Nashrie, in the future her powers will be."  Sambit ni Mommy.

Napaawang naman ang labi ko nang makita kung paano umilaw ang buong lawa. Kasabay nito ang paglipad ng mga pixies sa ere na nagmula pa sa tubig. Lumibot-libot sila sa lawa at kasabay nun, narinig ko ang anghel na boses ng nag-iisang Kahara.

"Nashy, nashy. The princess of the first empire. An innocent child born with herculean existence. Mixed with the five domains her powers will be. Succumb with greed her life will be minacious as it will be. Her future will remain in uncertainty. She is not any other immortal, she gains the power of a might. A world will soon will be ruled by her. but in the current time, oh elegant princess of the most powerful empire. She will destroy the unity of the whole Majestia, you'll see."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Kahara. Masyado akong nahipnotismo ng mga tinig niya na dumating sa puntong hindi ko na napagtuunan ng pansin ang mga sinasabi niya.

Nakita ko ang reaksiyon ni Mommy. Mas lalong lumalim ang takot sa bumabalot sa mga mata niya. Parang napapasong inalis niya ang kanyang kamay sa tubig at bigla akong niyakap ng mahigpit. Kumunot ang noo ko. Rinig na rinig ko ang malalim niyang paghinga.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now