CHAPTER 11: Kidnapped

49 9 7
                                    

Pagdilat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang umiiyak na mukha ni Mommy. Maraming immortals sa kwarto at si Ate ay nasa tabi ko.

"M-mommy?"

Ano bang nangyari? Wala na akong maalala simula nung, nung...

Nung pagsabog!

"Nashrie!" Agad na kumaripas ng takbo si Mommy papunta sa akin. Hinawakan niya pa ang mukha ko, tila chinicheck kung ayos lang ba ako. Agad naman akong nilibot ang tingin ko sa paligid, naroon pa rin ang mga Emperors at Empresses, dahan-dahan silang lumipat sa akin.

"Oh my goodness. Are you okay, baby?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mommy. Dahan-dahan akong bumangon kaya inalalayan niya ako. Wala akong nararamdamang kahit anong sakit sa katawan ko pero nung naalala ko ang buong pangyayari, binalot ng takot ang puso ko. Agad kong niyakap ng mahigpit si Mommy dahil sa takot.

"M-mommy, e-explosion, fire..." Sabi ko habang pinipikit ng mariin ang mga mata ko para iwaksi sa isip ko ang nangyari. Gusto kong kalimutan, ayaw ko ng matandaan pa 'yun.

Hinaplos ni Mommy ang likod ko para patahanin ako. "Shhh, it's okay now, baby. Your Ate already putted out the fire." Aniya habang pinapatahan ako.

Tumingin ako kay Ate na nag-aalalang tumingin sa akin. I mouthed "thank you" to her. Saka ko lang naalala na tubig nga pala ang kapangyarihan niya. Natutupok ang apoy dahil sa tubig.

"Did you see anything, Princess? How did the explosion happen?" Tanong ng Councilor ng First Empire.

Umiling ako. "Hindi ko po alam, pero nung papaalis ako biglang may sumabog, tapos nabalutan na po ng apoy ang Garden." Paliwanag ko sa kanila. Hindi ko na masyadong maalala ang kaganapan dahil masyadong mabilis ang pangyayari.

Nagkatinginan ang mga Emperors at Empresses. Tila nag-uusap sila sa mga mata nila.

"I think I know who did that," sumama ang mukha ng Councilor.

Umiling si Daddy. "Because it's really them. Those bastards really know how to cross boundaries," inis na sabi ni Daddy habang nasa tabi ni Ate.

"I'll connect with the Head Security outside the Empire, let's see if they saw something unusual." Ani Councilor at saka lumabas sa kwarto.

"Us too. Baka ang ibang Empire na ang maging target nila. I'll warn the guards." Sabat ng isang Emperor. "Besides, it's late. We'll get back to our Empires." Paalam niya.

Tumayo naman si Daddy at nakipagkamay sa mga Emperors at Empresses. Before I know, nawala na silang lahat sa harapan ko.

Agad na lumapit sa amin si Daddy. Nilapitan ko siya at niyakap rin. 

"Whatever you do, avoid going outside alone, Nashy. You too, Ciana." Paalala sa amin ni Daddy kaya tumango-tango lang kaming dalawa ni Ate.

"Daddy, kailan matatapos ang away ninyo?" Tanong ko. Pakiramdam ko kasi na kapag tumagal ang away nila ay mas lalong lalala ang lahat.

"It won't end, Nashy. Unless..."

Tinignan siya ni Ate Ciana ng nagtataka. "Unless what, Dad?" Curious na tanong ni Ate kay Daddy.

Bumuntong-hininga siya at saka tinignan si Mommy. Tumango lang si Mommy habang nasa kandungan na niya si Ate Ciana.

Tinignan kami ni Daddy bago magsalita. "Unless a war will happen."

Sinigurado kong walang tao sa tinigilan ko. Agad akong pumikit at dinama ang hampas ng hangin sa mukha ko.

"Nasaan si Heavenly?" Bulong ko sa hangin habang nakapikit ang mata. Ang kalikasan lang ang nag-iisang magtuturo sa akin ng daan kung nasaan naroroon si Langit.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now