Chapter 18: Come Back

21 4 0
                                    

Tatlong araw. Tatlong araw na akong nananatili rito sa nakakasulasok na amoy ng silid na ito. Pinapakain nila ako, oo. Siguro binubuhay nila ako dahil hindi pa nila nakukuha ang gusto nila sa kaharian namin.

Natanong ko ang sarili ko. Kung hindi kaya ako lumabas para sundan ang boses na iyon, madadakip kaya ako ng mga rebelde? Mahahantong ba ang kalagayan ko sa ganito? Malamang hindi.

Iniisip ko na lamang ang aking kahahantungan kapag nakuha na nila ang nais nila. Kamatayan. Tulad ng sabi ni Monica, wala na akong mapupuntahan kung hindi doon na lamang.

"Mommy, Daddy, Ate, hanapin niyo 'ko," bulong ko sa hangin na kahit na alam kong hindi iyon makakaabot sa kanila, hinihiling ko pa rin na sana, sana ay mahanap nila 'ko.

Narinig ko naman ang tawa ng rebeldeng nagbabantay sa'kin. "Kahit anong bulong o pagsusumamo mo d'yan, hindi ka na makakaalis dito, mahal na prinsesa." Aniya at tumingin sa akin ng nakakaasar.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam niyo, kayong mga rebelde? Ang papangit ng mga ugali n'yo," sambit ko sa mukha niya kaya napahalakhak.

"Kay bata pa ngunit ang angas na ng ugali," inayos niya ang kanyang upo. "Sugo ang pangalan ko, mahal na prinsesa. Kung hindi mo alam," aniya.

Umirap ako. "Wala akong pakialam. Masama pa rin ang ugali mo," giit ko ngunit napailing-iling na lamang siya.

Saktong tumayo siya ay pumasok sa silid ang pinuno nila, dahilan para mapatayo siya at biglang yumukod. Parang bigla siyang naging maamong nilalang tuwing kaharap niya ang pinuno nila.

"Kamusta ang bilanggo?" Tanong ng pinuno habang nakatingin sa akin.

"Gano'n pa rin ho, pinuno," nakayukod na tugon ni Sugo sa kanilang pinuno.

Humalakhak naman ang kanilang pinuno. "Pumayag na ang ama mo na magkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga immortal at mga rebelde," nasisiyahang aniya na ikinagulat ko.

Digmaan? Ibig sabihin ay maraming mamamatay. Hindi, hindi pwede!

Nagsimula akong magpumiglas. Gusto long makawala dito pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sa'kin.

Tumawa naman ang kanilang pinuno. "Kahit anong pilit mo diyan, hindi ka makakatakas." Aniya.

Tumayo naman ng tuwid si Sugo."Pinuno, anong ibig niyong sabihin? Magkakaroon ng digmaan?" Tanong ni Sugo sa kanilang pinuno. 

"Oo, kapalit ng munting prinsesa. Kapag nanalo sila, isusuko natin ang grupo natin sa mga emperyo at ibabalik natin ang prinsesa, pero kapag tayo ang nagwagi, isusuko nila ang mga emperyo sa atin." Nasisiyahang ani ng pinuno na ikinangisi ni Sugo.

Sabay silang tumawa dalawa. Habang ako naman ay binabalot na ng takot. Hindi maaaring magkaroon ng digmaan. Hindi pwede.

"Ihanda mo ang iba pang mga rebelde. Ikatlong araw mula ngayon, dadanak ang dugo sa buong Majestia at sisiguraduhin kong hawak ko ang ulo ng hari ng unang imperyo bago matapos ang digmaan," sa sinabi niyang iyon, tuluyang tumayo ang balahibo sa katawan ko.

"Umabot mahigit bente ka-tao ang nahuli sa isang agent raid na naganap kaninang umaga pasadong alas nuebe ng umaga. Sinasabi nagkakaroon ng transaksyon sa ipinagbabawal na droga..."

Nakatutok kami sa flat screen tv sa may sala ni Clover. Ibinalita na ang nangyaring raid kaninang umaga. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay sina Shadow at Ciana. Nakatutok lang kami sa harap ng telebisyon. 

"Mahigit kumulang 20-katao ang naaresto ngayong umaga sa naganap na raid sa International Airport. Tinatayang 1.5B halaga ng shabu ang nakonpiska sa isang secret room sa loob ng gusali. Nagkaroon naman ng riot habang inaaresto ang mga sinasabing suspek. Isang agent ng XY Corporation at isang Flight Attendant ng sinabing Airport ang kasalukuyang nawawala ngayon. Sila ay kinikilalang Ciana Julienne at Shadow Pierre o mas kilala bilang Agent Umbra. Kung mayroon kayong nalalamang impormasyon ukol sa mga missing persons na ito ay ipagbigay alam lamang sa pinakamalapit na Police Station."

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now