Chapter 17: One More to Go

25 6 1
                                    

"Pakawalan n'yo 'ko!"

Hindi na ako tumigil sa pagsigaw simula ng dakpin ako ng mga rebelde at dalhin sa kuta nila. Ni hindi nga ako nakalaban sapagkat mas malaki sila sa akin. Ngayon ay nakatali na lamang ako sa isang maliit na silid. Masangsang ang amoy nito at para akong sinasakal dahil sobrang sikip ng loob.

"Kahit anong sigaw pa ang gawin mo, mahal na prinsesa, walang makakarinig sa'yo," giit ng pinakamalaking rebelde habang tinatawanan lang ako.

Napupuno ng takot at kaba ang sistema ko. Parang gusto kong maiyak ngunit pinigilan ko ito. Hindi dapat ako magpakita ng takot sa kanila ngunit hindi ko mapigilan.

Paano ako makakatakas dito? Paano ako makikita ni Mommy at Daddy? Kapag hindi nila ako makita, anong gagawin ng kga rebelde sa'kin? Papatayin?

Mas lalong nanlamig ang katawan ko dahil sa naisip ko. Isa lamang akong munting paslit na prinsesa na hindi alam ang aking kapangyarihan. Wala akong laban. Ang tanging magagawa ko na lamang ay hintayin ang tadhanang nakasulat sa aking palad.

Napalingon ako sa entrada ng silid nang pumasok ang lalaking kaninang dumakip sa akin, may kasama siyang isang babaeng nakasuot ng itim. Walang emosyong bumabakas sa mata nito, hindi tulad ng lalaking akala mo'y nanalo sa isang paligsahan dahil sa sayang nakabalot sa mukha nito.

"Siya na ba, ama?" Malamig na tanong ng babae.

Ama? Ibig sabihin ay magkadugo sila ng lalaking ito. Hindi na nakakagulat. Parehas lang sila.

Tumawa ang lalaki. "Oo, Monica. Nasa atin na ang munting alas ng unang imperyo at ang magiging susi sa ating tagumpay," mas lalo akong kinabahan sa sinabi n'ya. Bakit? Anong gagawin nila sa akin?

Ngumisi naman ang babaeng tinawag niyang Monica. "Magaling, Ama. Ngayon ay masisigurado na natin ang panalo ng mga rebelde laban sa mga hampaslupang immortal," maging siya ay humalakhak katulad ng kanyang ama.

"Pakawalan n'yo ko dito! Hindi kayo magtatagumpay!" Lakas loob kong sigaw dahil sa inis. Mas lalo silang humalakhak.

"Bantayan niyong maiigi ang batang 'yan, kapag iyan nawala sa silid na 'to, isasabit ko ang mga ulo n'yo sa entrada ng kweba. Naiintindihan n'yo ba?" Banta ng lalaki sa iba pa niyang kasamahan. 

Mukha namang natakot ang mga lalaki dahil agad silang yumukod at bigla nag-iba ang ekspresyon nila.

Naglakad palabas ang pinuno nila ngunit hindi 'yung Monica dahil naglakad siya papalapit sa akin.

Nagpupumiglas ako sa pagkakatali ko ngunit napadaing ako nang bigla niyang hawakan ang baba ko at pisilin iyon ng mahigpit.

"Your scream is useless, Princess. You only have one option here to escape," nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Napaiyak nalang ako nang bumulong siya sa'kin. "Die."

"What the fuck? Is that really her?" 'Di makapaniwalang tanong ni Clover habang pinagmamasdan si Ate Ciana na tumatakbo upang makaalis sa gulo.

Nagbago na ang postura ni Ate. Kung dati ay matigas s'ya, ngayon naman ay hindi mo maipaliwanag ang itsura n'ya. Parang ang lambot n'yang tignan.

"What do we do?" Tanong ni Xymon habang nakatingin kay Shadow na walang malay.

Tinignan ko sila. "Change of plans. Kukunin ko si Ate, kayo na ang bahala kay Spades," sabi ko na ikinalaki ng mata nila.

"What?! Susugod ka do'n? It's dangerous," hinawakan ni Clover ang braso ko na agad din n'yang binitawan na tila may napagtanto.

Umiling ako. "Nasa harap na natin sila, hihintayin pa ba natin na mawala ulit sila?" Sabi ko sa kanilang dalawa.

Tumango-tango naman si Xymon na tila sang-ayon sa sinabi ko. "Nashy has a point," aniya.

Hinilamos ni Clover ang pagmumukha n'ya. "Still, we don't kno-- Nashy!"

Hindi na natapos ni Clover ang sasabihin niya nang bigla akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ng gulo para kunin si Ate.

Wala na akong pakialam sa mangyayari. Ang mahalaga ay makuha ko ang Ate ko.

Umilag ako sa mga nagaganap. Meron akong nakitang nagsusuntukan, 'yung iba ay pumipiglas sapagkat pilit silang inaaresto. Nakakarinig ako ng putok ng baril ngunit hinayaan ko lang 'yun.

Nang makalapit ako kay Ate Ciana ay tumigil ako. Agad kong hinawakan ang braso n'ya dahilan para mapatingin s'ya sa'kin, nagtataka ang kanyang itsura na kalaunan ay napalitan ng takot at gulat.

"Bitawan mo 'ko! Wala akong ginagawang masama!" Nagsimula s'yang magpumiglas sa hawak ko.

"A-ate, wala akong gagawing masama sa'yo!" Sabi ko sa kanya ngunit patuloy pa rin s'ya sa pagpupumiglas.

"Ano ba?! Bitawan mo 'ko!" Aniya.

"Ate, kailangan mong sumama sa'min..." Sabi ko sa kanya ngunit mas lalo ata s'yang natakot.

"Sa'n mo 'ko dadalhin?! Hindi ako sasama sa'yo! Hindi kita kilala!" Sa wakas ay nakawala s'ya sa hawak ko. Kumaripas s'ya ng takbo ngunit hinabol ko s'ya.

"Ate, sandali!" Tawag ko sa kanya ngunit hindi s'ya lumingon at patuloy lang sa pagtakbo papalayo sa'kin.

Malayo na ang agwat namin sa isa't-isa. Gustuhin kong huminto ngunit hindi ko magawa. Kailangan kong kunin ang Ate ko.

Nang biglang sumulpot si Clover sa harapan n'ya kaya napatigil s'ya. Kahit nakatalikod s'ya sa'min ay ramdam ko ang gulat n'ya dahil nanigas rin s'ya sa kinatatayuan. 

"I'm sorry, CJ, but you really need to come with us" ani Clover.

Napaatras naman si Ate sa gulat at lumingon sa pwesto ko at akmang tatakbo ulit ngunit nakita n'ya ako. Mas lalong lumaki ang mata n'ya.

"A-ano bang kailangan n'yo sa'kin?!" Nauutal na tanong n'ya.

Dahan-dahang lumapit si Clover sa kanya nang hindi n'ya nalalaman. Nang makalaoit s'ya kay Ate, may bigla s'yang sinambit na spell at biglang nawala ng malay si Ate.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Anong ginawa mo?!" Gulat kong tanong habang nakatingin sa walang malay kong Ate.

"I just did what I think is right," inabot niya si Ateng walang malay at kinarga ito habang ako ay nakatulala pa rin dahil sa ginawa niya. Paano niya nagawa 'yon?! Sa harap ng maraming tao?!

Napalingon-lingon naman ako sa paligid namin, mukhang walang nakapansin dahil abala ang lahat sa pagliligtas ng kanilang sarili. Napabuntong-hininga ako.

"Let's go, Nashy," aniya at biglang nawala na parang bula. Agad naman akong tumakbo papunta sa dating pwesto namin. Hindi pa rin tapos ang kaguluhan ngunit may nagsisidatingan ng mga pulis.

"Xymon, ipasok n'yo na si Ate at Shadow sa loob!" Utos ko sa kanila. Agad naman itong sinunod ni Xymon at inalalayan ang katawan ni Shadow papasok.

Lumingon naman ako sa pinangyayarihan ng gulo. Wala pa rin hanggang ngayon si Langit, hindi ko s'ya matanaw.

"Langit, nasaan ka na?" Pagkausap ko sa kanya. Bigla naman s'yang sumulpot sa harapan ko. Hinihingal s'ya habang unti-unting pumapalit sa tunay niyang anyo.

Hinawakan ko ang mga balikat n'ya. "Anong nangyari? Nasa'n si Spades?" Tanong ko dahil wala akong matanaw na Spades kung saan.

Umiling s'ya it iwinagayway ang kamay n'ya habang naghahabol ng hininga. "P-pumasok na tayo sa loob, p-paparating na ang ng pulis," hinawakan n'ya ang palapulsuhan ko para igiya sa loob ng sasakyan ngunit nanatili ako sa pwesto ko kaya napalingon s'ya sa akin, nagtataka ang mga mata.

"Nasa'n si Spades?" Matigas kong tanong. Narinig ko na ang siren ng mga pulis at kami nalang ang natitirang tao sa loob ng airport maliban sa mga agents at nga nahuli nito.

Tinitigan ko si Langit na naghahabol ng hininga. Bigla siyang lumunok bago ako sagutin.

"Hindi ko s'ya nakuha. Nung babatukan ko na sana siya ay nailagan niya ang tama ko. Naglaban kami kaya paniguradong magkakagulo ngayon sa opisina nila," pagkasabi niya no'n ay agad niya akong hinila papasok sa sasakyan at humarurot na kami paalis habang ako ay natulala sa nangyari.

Lagot.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now