CHAPTER 8: Bitchy Little Fight

46 10 40
                                    

"What the hell?!"

Isang matinis na sigaw ang narinig nang may makabangga ako habang tumatakbo sa Garden. Hapon na at nasa loob ng palasyo ang mga Emperors at Empresses, nandito rin ang mga Elites sa Garden at tulad dati, kasama ko sila sa paglalaro.

Umangat ako ng tingin nang makita ko ang isang batang babae na inis na nakatitig sa akin. Sa tantiya ko ay kasing-edad ko ito base na rin sa facial features niya.

"Sorry," hingi ko ng tawad. Hindi ko rin kasi tinitignan ang dinaraanan ko kaya nabangga ko siya.

Imbes na umalis nalang, bigla siyang nagpadyak at mas lalo akong sinamaan ng tingin.

"Look at where you're going next time, you bitch!" Sigaw niya sa mismong harapan ko na ikinagulat ko nalang. Bitch? Ano 'yun? Parang hindi maganda.

Biglang hinigit ni Ate Ciana ang braso ko at siya ang humarap sa batang babae. Lumingon naman ako sa mga Elites na nasa likuran ko lang at natigil sa paglalaro.

"What did you just called my sister?" Biglang naging nakakatakot ang tinig ni Ate. Nasa likuran niya ako habang kaharap niya ang batang babaeng nakataas ang kilay sa aming dalawa.

"I called your sister a bitch because she really is," matapang na saad ng babae kaya biglang binitawan ni Ate ang kamay ko at lumapit sa babae.

"Ate," pigil ko sa kanya dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari pero alam kong masama 'yun.

"Take it back," mapanganib na sinabi ni Ate.

Hindi natinag ang batang babae ang umiling. "Don't wanna," aniya habang nakataas pa rin ang kilay at pinapantayan ang mga tingin ni Ate.

Aawatin ko na sana ulit si Ate pero napahiyaw ako nang bigla siyang magpalabas ng tubig sa mga kamay niya at walang pasabing itinapon iyon sa batang babae. Nabasa ito sa napasalampak sa sahig.

"Ate!" Agad kong hinigit ang braso ni Ate para patigilin siya. Tinignan ko ang batang babae na nasa lupa. Mukha siyang basang sisiw dahil sa itsura niya. Nananaliksik na rin ang mga niya habang nakaupo sa sahig.

"What the hell!" Mas mabilis pa sa kidlat na tumayo siya. Biglang nagkaroon ng snowball sa kamay niya at wala ring pasabing itinapon iyon kay Ate. 

Doon na lumapit ang mga Elites para awatin sila. Si Clover at Shadow ay inawat ang batang babae habang si Langit at Xymon naman kay Ate Ciana. Ako na ang pumagitna sa kanilang dalawa.

"Tama na!" Awat ko.

"Stay out of the way bitch!" Ani ng batang babae sa akin habang pinipilit pakawalan ang sarili niya para sumugod ulit.

"What is going on here?!" 

Sabay-sabay kaming napalingon sa entrada ng Garden nang makita namin sina Dad, kasama si Mom at ang ibang Emperors at Empresses, pati na rin ang mga councilor ay nasa tabi nila.

Sabay-sabay bumitaw sina Xymon, Langit, Clover at Shadow sa kanila Ate at sa batang babae, sa pag-aakalang titigil na sila. 

Nagulat nalang ako nang patakbong sumugod ang batang babae kay Ate ay hinila ang buhok nito. Naalarma kami kaagad at inawat ang batang babae habang si Ate ay lumalaban rin.

"Jonnes!" 

Biglang patakbong lumapit sa amin ang councilor ng unang imperyo. Hinatak niya ang batang babaeng tinawag niyang "Jonnes" na pilit pa ring sumusugod. Kinarga niya ito habang masamang tumitingin kay Ate.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt