CHAPTER 5: The Intern and The Teacher

39 16 17
                                    

"Tara, Ate! Lapitan natin sila!" Excited na sabi ko kay Ate.

Halos hindi na maalis ang tingin ko sa ibang mga prinsesa at prinsipe dahil sa saya. They were looking at us also pero may isang batang prinsesa ang masama lang ang tingin sa amin na ikinangiwi ko nalang.

Dahan-dahan naming nilapitan ang mga batang kasing-edad namin. Tinitignan rin nila kami ng buong galak. Nakangiti pa ang dalawang prinsesa at isang prinsipe sa amin kaya natuwa naman kami.

Paglapit namin sa kanila, dahan-dahan kaming yumukod bilang pagpugay at iyon rin ang ginawa nila. 

"Hi!" Bati ko sa kanila. 

Bumati rin ang isang prinsesa sa amin. Medyo maikli ang buhok nito pero sumisilay ang kaputian nito. "Hello!" Masigla rin niyang sabi.

Nilahad ni Ate Ciana ang kamay niya. "I'm Ciana, I possess the water element here in our Empire." Pagpapakilala niya.

Magalak naman itong tinanggap ng isang prinsesa. "Ako si Heavenly, you can call me Heaven or Langit, depende sa gusto mong itawag sa akin. Shapeshifter naman ako." Sabi niya. Mahaba ang buhok ngunit nakabraid ito kaya bumagay sa kanya ang style na iyon.

Biglang sumingit ang isang prinsesa mula sa likuran niya at nagpakilala rin. "Hi! Ako naman si Mary! I have healing powers unlike my Ate," Aniya at tinuro si Langit--oo Langit nalang ang itatawag ko sa kanya, parang mas maganda iyon, eh.

Umawang naman ang labi ko. "Oh, so magkapatid kayo?" Tanong ko.

Tumango-tango naman siya habang ngumingiti. "Ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin.

Ngumiti ako ng malaki bago magpakilala. "Ako ni Nashrie, Nashy nalang ang itawag niyo sa akin." Pagpapakilala ko sa kanila. Inilahad ko na rin ang kamay ko na tinanggap naman nila.

"Anong ability mo, Nashy?" Curious na tanong ni Langit sa akin kaya sabay kaming napatigil ni Ate Ciana. Nagkatinginan pa kami at kapwa nagtatanong ang mga mata.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong kapangyarihan ko. Simula kasi nang pinanganak ako ay wala raw nagpapakita na senyales sa kung anong tunay kong abilidad, na kataka-taka para sa karamihan.

Ngumiti lang ako ng pilit sa magkakapatid bago sumagot. "Hindi ko rin alam, eh." Sabi ko sa kanila kaya kumunot naman ang noo nila sa pagtataka.

"Huh? Paanong hindi mo alam?" Takang tanong ni Mary sa amin. Alam ko na rin naman na magtataka sila.

Kumibit-balikat nalang ako at hindi na sumagot.

Bigla kaming may narinig na bell na tumutunog, senyales na hapunan na. May lumapit na rin sa amin na maid na agad na yumukod sa amin.

"Princesses, I'll accompany you to your table." Magalang na anito kaya tumango tango kami bilang pagtugon.

Sinundan namin ang maid kung saan ito pupunta. Nadadaanan rin namin ang mga councilors ng iba't-ibang imperyo sa isang lamesa at yumukod rin sila sa amin. 

Nakarating kami sa lamesa namin. Naroon ang iba pang mga prinsipe at isa pang prinsesa na nakaupo. May nakahanda na ring mga pagkain sa harapan nila at nag-uusap rin sila.

Dahan-dahan rin akong lumapit roon at kinarga kami ng mga maid upang makaupo dahil masyadong mataas ang upuan.

Bumungad na sa amin ang iba pang royalties na nakamasid nalang sa amin. Nginitian ko si Clover nang makita ko siya kaya ngumiti rin siya, hindi nga lang abot sa mata niya.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now