CHAPTER 16: Raid

23 4 0
                                    

Nang masigurado kong nakalayo ako sa paningin ni Ate ay tinahak ko ang sikretong daan palabas ng palasyo. Malapit lang ito sa punong bulwagan ngunit wala namang nagbabantay doon. Daanan lang 'yun palabas ngunit hindi ka makakapasok doon.

Kanina pa ako tinatawag ng hindi ko kilalang boses. Mas lalong lumalaki ang kuryosidad ko. 

Paglabas ko ng lagusan ay bumungad sa akin ang labas ng palasyo at humampas sa akin ang malamig na simoy na hangin. Tahimik ang paligid at mga kuliglig lang ang naririnig ko. Klaro sa mga mata ko ang bituin sa langit. Tahimik nga ngunit maraming dalang panganib.

"Nashy..."

Napabaling ako sa may gubat. Doon nanggaling ang boses. Alam kong doon.

Mabilis ang lakad ko at pumasok doon. Sinusundan ko kung nasaan nanggagaling ang boses. Hindi ko alam kung saan na ako napupunta, ang alam ko lang ay kailangan kong malaman kung sino ang tumatawag sa akin at bakit niya ako tinatawag.

Tumigil ako sa gitna ng kagubatan nang biglang tumigil ang boses. Hindi ko na ito marinig kaya hindi ko na masundan iyon. Napatingin ako sa kapaligiran, puro puno ang nakikita ko at madilim na. 

Biglang may bumalot na takot sa akin. Kinakabahan ako habang naghahanap ng daan pabalik. Nawawala ako, nawawala rin ang boses.

Ano bang gustong gawin sa akin ng boses na iyon? Ang ligawin ako? O may mahalaga siyang sasabihin sa akin?

Napatigil ako ng may marinig akong kakaibang tunog. Tunog ng mabagsik na hayop. Napalinga ako sa paligid ngunit wala akong makita. Mas lalo akong natakot. 

"Ate Ciana..."

Naluha nalang ako ng biglang lumakas ang tunog na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hindi ako makatakbo, parang biglang nanigas ang aking mga paa.

Gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko magawa. Walang makakarinig sa akin dahil nasa gitna ako ng gubat. 

Mas lalo akong nanigas ng may naaninag akong anino mula sa likuran ko. Isa itong pigura ng babae. Ang buong akala ko ay isa siyang kakampi ngunit ng lingunin ko ito ay binalot ng takot ang buong katawan ko.

"Well, well." Ngumisi ang lalaking nakasuot ng itim ng balabal. May kasama siyang grupo ng mga itim na lobo sa kanyang likuran at mabangis ang tingin ng mga ito sa akin.

"Bakit gumagala ang munting prinsesa sa gitna ng panganib?" Mapang-asar ang kanyang tono. Umatras naman ako ng umabante siya. Tatakbo na sana ako papalayo nang mahigit ng lalaki ang braso ko at hinawakan ng mahigpit ang panga ko kaya napasigaw ang sa sakit.

"Where do you think you're going?"

"Bitawan mo 'ko!" Natatakot kong sabi sa kanya. Sana hindi nalang ako lumabas. Sana hindi ko nalang sinundan ang boses na iyon. Sana hindi ako nalagay sa peligro ngayon.

Tinawanan niya lang ako at saka sapilitang kinarga. Nagpupumiglas ako sa hawak niya at tili ako ng tili, umaasang may makarinig sa akin at masagip ako.

"Ngayon ay may alas na kami," rinig kong bulong niya habang naglalakad papalayo sa palasyo.

"Ibalik niyo na 'ko sa amin!" Umiiyak kong sabi ngunit hindi siya nakinig. Natatakot ako. Tulungan niyo 'ko.

"Nashy..." 

Napatigil ako ng marinig ko na naman ang boses na 'yun pero ngayon, mukhang malayo na ito. Pilit ko itong hinahanap ngunit wala akong makita. Hanggang sa muli kong narinig ang boses na iyon.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant