CHAPTER 7: Black and White Angels

45 15 56
                                    

Days went by and by at masasabi kong medyo nag-improve ang samahan namin ng ibang Elites. Matapos ang piging ay madalas na pumupunta dito ang mga Emperors at Empresses kasama ang mga prinsipe at prinsesa. Medyo hindi nga lang kami magkasundo ni Spades at Irra pero alam kong makakalapit ko rin sila.

Minsan kong narinig habang nagpupulong ang mga Emperors at Empresses na sumasagawa sila ng plano para sa mga tinatawag nilang rebelde. Umaatake na muli ito sa mga Empire na ikinakabahala nila, baka daw mauwi sa digmaan ang lahat.

'Yun ang ikinakatakot ko. Nasa murang edad pa lang ako kaya natatakot akong makarinig ng pagsabog at makakita ng dugo. Hindi ko pa alam kung ano ang tunay na nangyayari sa isang digmaan pero lagi kong napapanigipan ang mga bagay na 'yun simula ng tumuntong ako sa ika-tatlong taong kaarawan ko.

Marami akong naririnig na hiyawan, mga espada at mga pagsabog. Hindi ko alam kung ano 'yun pero nung narinig ko ang salitang digmaan ay 'yun agad ang pumasok sa isip ko.

Nakaupo na ako sa kama ko ngayon habang hinihintay si Mom na pumasok sa kwarto ko. Tuwing gabi ay binabasahan niya ako ng mga kwento na hinggil sa Majestia habang si Dad na may ang nagkwekwento kay Ate.

Napalingon ako kaagad sa entrada ng kwarto ko ng marinig kong bumukas 'yun. Napangiti nalang ako nang makita ko ang nanay ko na nakangiting nakatingin sa akin habang dahan-dahang pumapasok sa kwarto ko.

"You really waited for me, baby." Aniya habang nilalapitan ako. Umupo siya sa gilid ng kama ko at hinalikan ang noo ko.

Ngumiti ako ng matamis "Siyempre, Mom. Story time na ngayon." Masiglang sabi habang dahan-dahan nang humihiga sa kama para pakinggan ang kwento ng Mommy.

Tumawa naman siya ng mahina. "Okay then. What story do you want to hear?"  Tanong niya sa akin.

"Kayo na po ang bahala, Mommy." Sabi ko dahil sa sobrang dami ng mga kwentong gusto kong marinig, hindi ko na alam kung anong gusto kong makwento niya sa akin dahil hindi pwedeng lahat ay ikwento niya sa akin para lamang sa isang gabi.

Natigil naman siya at tila nag-iisip ng pwedeng i-kwento sa akin. Makalipas ng ilang segundo ay saka siya tumingin sa akin at ngumiti. "Do you know the story of the black and white angels?" Tanong niya sa akin.

Agad namang nabalot ang sistema ko ng kuryosidad. Black and white angels? Ni minsan ay hindi niya pa nabanggit sa'kin 'yun.

Agad naman akong umiling kaya lumapit siya sa'kin at hinaplos ang buhok ko.

"A long, long time ago. Nung mga panahong patag palang ang Majestia, walang puno, walang mga imperyo at higit sa lahat wala pang mga tulad natin, nagpadala ang mga diyos at diyosa ng mga anghel para mamuno rito sa Majestia." Panimula niya.

Napakurap-kurap naman ako habang i-kwinikwento niya ang bagay na 'yun. Mataman lang akong nakikinig habang nagsasalita siya.

"Angels, Mommy? As in yung may pakpak?" Inosenteng tanong ko.

Tumango-tango naman siya. "Yes, baby. They created Majestia, our world. When they started forming their own government, the people, the Empires, the cities and the abilities, all of them are agreeing to the decision of the Council of Angels, the highest position of Angels. Everything was well, until one day,"

"What happened, Mom?"

"Half of the Angels started disagreeing with the decisions of the council. It's like they started to be greedy. Iniisip nila na gusto nilang pamunuan ang Majestia, with their own rules and regulations."

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now