CHAPTER 19: Saviors

27 6 0
                                    

Pangatlong araw simula nang malaman kong magkakaroon ng digmaan sa buong Majestia. Wala akong halos marinig sa labas na mga rebelde, pakiwari ko'y sobra nilang pinaghahandaan ang araw na 'to, habang ako ay nanatili pa ring nakatali at binabantayan ng Sugo na 'to. Kung makaupo sa kinauupuan nito ay akala mong ang gwapo gwapo. Pangit naman.

Tinignan n'ya ako. Sinamaan ko s'ya ng tingin at nilabas ang dila ko para asarin s'ya. Tumawa lang s'ya at umiling-iling.

"Kapag ako nakalabas dito, yari ka sa'kin." Bulong ko kahit alam kong wala akong kakayahan na bawian ang rebeldeng ito.

Kumakabog ang dibdib ko sa magaganap ngayon. Kung maaari lamang ay gusto kong pigilan ang magaganap na digmaan, pero alam kong hindi posible iyon.

Ayon sa narinig ko, magsisimula ang digmaan pagputok ng buwan sa kalangitan. Mga bandang hapon na ngayon, ngunit ang kalangitan na nakikita ko mula sa bintana sa itaas ay napakadilim. Parang nadadama rin nito ang nagbabadyang panganib.

"Sugo, hinahanap ka ng pinuno."

May narinig akong baritonong boses mula sa kinauupuan ko. Mula sa labas ng mala-seldang kwarto ko, may matang tumanaw sa maliit na butas ng pintuan.

Agad namang tumayo si Sugo at walang pasabing iniwan ako. Kampante pa s'yang iwan ako dito. Alam n'ya sigurong hindi ako makakatakas.

Sa napakaraming pagkakataon, sinubukan kong makawala mula sa pagkakatali ko pero bigo pa rin ako. Napasandal nalang ako sa pader at bumuntong-hininga. 

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig sa kawalan. Walang magawa at hindi ko man lang pinagtuunan ang pagkaing hinanda nila para sa'kin. 

Hindi ko napansin na kinain na ng dilim ang kalangitan. Nakita kong ko pano sumilaw ang mapulang buwan sa langit, senyales ng panganib. Paniguradong dadanak ang dugo, at iniisip palang iyon ay natatakot na 'ko.

Napahiyaw ako nang bigla akong makarinig ng pagsabog malapit sa kinaroroonan namin. Bumalot ang takot at kaba sa sistema ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at bigla akong nahirapang huminga.

"Ma! Mommy! Daddy!" Hindi ko napigilang 
tawagin sila dahil sa takot. Pakawalan n'yo 'ko dito, please.

Mas lalo akong 'di makahinga sa kaba at takot nang may marinig akong pagsabog sa loob ng kinaroroonan namin. Naluluha ang mga mata ko dahil hindi ko alam ang gagawin.

Sa 'di inaasahan, tumahimik ang buong paligid. Kumunot ang noo ko nang walang marinig na kahit ano sa labas.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Binalot muli ng kaba ang aking dibdib ngunit napawi 'yon nang maaninag ko kung sino ang sumisilip roon.

"Nashy!"

Nanlaki ang mata ko nang bigla akong sinugod ng yakap ni Ate Ciana. Napakahigpit no'n pero 'di ko rin maiwasang maluha.

"A-ate?"

"Finally!" Kumawala siya sa pagkakayakap at kinalas ang tali ko. "Did they hurt you?" Tanong niya.

Gulat man, umiling ako bilang sagot.

"S-sinong kasama mo, Ate?" Imposibleng siya lang ang sumugod dito. Nandito ba sina Mommy? Daddy?

Kapagkuwan ay may sumilip mula sa pintuan na ikinagulat ko pa.

Tinuro niya sina Mary, Heavenly, Shadow, ang kambal at si Irra at nilingon ako balik.

"I'm with them."

"Nashy, you should know by now that what you did back there was invasion of mind," paliwanag sa'kin ni Clover habang nakaupo ako sa pang-isahang sofa.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ