CHAPTER 9: Agent Pala and Agent Umbra

42 10 3
                                    

"Bakit mag-isa ka lang dito?"

Dahan-dahan akong lumapit kay Spades nang makita ko siyang nakaupo sa tapat ng Kahara Lake. Bumisita kami sa Wizard City, may hinahanap ang mga Emperors at Empresses at sumama lang kami sa kadahilanang ni minsan ay hindi pa kami nakapunta rito.

Hindi niya ako nilingon. Sumimangot naman ako at umupo na rin sa tabi niya, may distansya nga lang. Hindi ko alam kung nasaan ang ibang Elites, nililibot siguro nila ang siyudad. Nagkahiwalay na kami kanina kaya hindi ko alam kung nasaan sila.

Hindi sinagot ni Spades ang tanong ko. Nakatitig lang siya sa lawa habang ang mga maliliit niyang kamay ay nakalagay sa tuhod niya.

"Huy, sagutin mo 'ko." Sinundot-sundot ko siya kaya napaiwas siya agad at sinamaan ako ng tingin. Sumimangot naman ako. Ang sungit naman ng lalaking 'to.

"Why the hell are you here?" Masungit na sabi niya habang lumalayo pa lalo sa akin. 

"Bakit hindi? Wala naman sigurong nakalagay na 'Nashy is not allowed here.' Di'ba?" Pamimilosopo ko pa.

He just tsked. Hindi na niya ako sinagot ulit. Nakapangalumbaba ako habang nakatitig sa lawa.

"Ayaw mo makipagkaibigan?" 'Yun agad ang pumasok sa isipan ko kaya naitanong ko sa kanya.

Kahit hindi ako tumingin sa kanya, alam kong nakatingin siya sa akin. Pinagmasdan ko lang ang sarili kong repleksiyon sa lawa.

"How are you sure?" Tanong niya sa akin pabalil.

Kumibit-balikat ako. "Ewan, feeling ko lang. Masyado ka kasing ilag sa amin." Sabi ko naman sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos kong magsalita. Ilang segundo ay biglang umilaw ang lawa at may mga pixie dust na naman na lumulutang. Napatayo kami ni Spades ng wala sa oras. Sa mga ganitong pagkakataon, nakakausap namin si Kahara.

"Kahara?" Tawag ko sa kanya. Tahimik lang si Spades sa gilid ko. Madalas akong pumupunta rito, kasama si Mommy o kaya si Daddy kapag may mga problemang kinakaharap. Si Kahara lang rin ang nagpapagaan ng kalooban ko tuwing malungkot ako.

"Elites, friendship isn't bad. As long as no one is abusing it, the union between all of you won't be broken. Understanding and discipline would make your bond stronger. Don't lock yourselves with yourself, someone out there is ready to cherish you and is waiting for you." 

Narinig ko ang mala anghel na boses ni Kahara. Hindi ko man siya nakikita, ang boses niya ang nagpapawala ng sakit sa kalooban ko.

Ngumiti ako. Tama si Kahara, hindi kailangang sarilinin ang lahat ng problema. May ibang tao na nandyan para sa'yo at dadamayan ka.

Pagkatapos niyang sinabi 'yun ay biglang nawala ang ilaw sa Kahara Lake. Nawala na rin ang mga pixie dust at bumalik na ito sa normal na anyo.

Lumingon kay Spades na nakatitig sa lawa. Walang emosyon ang lumalabas sa mukha niya.

"Narinig mo ang sabi ni Kahara? Hindi mo kailangang mag-isa." Sabi ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin at nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Mukha itong galit, hindi ko maintindihan.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Friends?" Tanong ko.

Tinitigan niya lang ang kamay kong nakalahad pagkatapos ay nagsalita. "I'll think about it." Aniya at naglakad na papalayo.


Malaki ang mansyon. Pakiramdam ko mga sampo o mas maraming tao ang kakasya rito. Akala ko pa naman ay maraming tao sa loob, pero bumungad sa akin ang nakakabinging katahimikan. Wala akong marinig kundi ang mga kuliglig at ang echo ng bawat yapak na nilalakad namin.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now