CHAPTER 4: Piging

40 16 3
                                    

Ngayon ang araw na pupunta ang iba't-ibang Empresses at Emperors dito sa palasyo para sa isang mahalagang piging at pagpupulong. 

Nandito kami sa kwarto ni Ate Ciana at binibihisan kami ng mga katulong upang maging pormal ang itsura namin. Suot-suot namin ay isang gown na pinaresan ng flat na damit pampaa.

We were beyond excited. Sinusuotan na kami ng maliit na tiara para handa na kami sa pagbaba. Madami na akong naiisip na gawin kasama ang iba't-ibang prinsesa at prinsipe. Yung mga lalaruin namin, mga kwentuhan namin at kung ano-ano pa. Sana nga lang ay magkasundo kami para masaya.

"Are you ready, Nashy?" Tanong sa akin ni Ate Ciana na bumaba na sa kinauupuan niya. Kinarga naman ako ng isang katulong pababa sa upuan ko dahil sobrang taas nun kaya hindi ako makakababa.

"Sobra, Ate!" Galak na sabi ko kay Ate Ciana habang inaayos ang tiara sa ulo ko.

Ngumiti naman siya ng malawak saka niya inilahad ang kamay niya sa akin. "Tara na."

Inabot ko ang kamay niya ng buong galak at saka na kami inalalayan ng mga katulong paglabas namin. Abot langit ang saya at excitement na nararamdaman ko. May panibago na naman kaming makakalaro ni Ate Ciana, alam kong magiging masaya 'to!

Nang makarating kami sa hall ng palasyo, umawang naman ang labi ko dahil napakaengrade ng disenyo nito. Ang mga bisita ay sumusuot rin ng pormal na damit at yumuyukod tuwing nadadaanan kami kaya yun rin ang ginagawa namin ni Ate.

Maraming mga pagkain ang nakahain, may musika rin sa loob ng hall at may isang sobrang habang lamesa ang nakapwesto sa gitna ng hall. May mga kandila iyon, prutas at mga plato. Ang upuan ay parang mga trono kung titignan. Hula ko ay para 'to sa mga Empresses at Emperors na dadalo sa piging na ito.

"Nashrie, Ciana." Napalingon kami sa likod namin nang marinig namin ang boses ng daddy. Agad naman kaming ngumiti nang malawak at niyakap ang binti niya.

"Dad!" Nakasuot rin siya ng isang pormal na damit. He was wearing his smile which made him look so handsome. Ang gwapo talaga ni Daddy at ang ganda naman ni Mommy, kaya siguro namana na namin iyon sa kanila.

Kinarga niya kami ni Ate Ciana ng sabay, di alintana ang bigat naming dalawa at hinalikan ang sintido namin. "My princesses looks so excited, hmm?" 

Tumango naman si Ate. "Yes, Dad!" Pati siya ay excited na din para sa pagkikita namin ng ibang prinsesa at prinsipe.

Lumingon ako kay Daddy. "Nasaan na sila, Dad? Malapit na ba sila?"

Pagkasabi ko nun, sabay naman ang pagtunong ng trumpeta at ang pag linya ng mga guwardiya sa entrada ng hall, magkaharapan sila at sabay-sabay na itinaas ang espada at ipinagkrus iyon sa itaas.

"Welcome the Empresses and Emperors of the Four Empires!" Ani ng speaker na may hawak na papel.

"Speaking, they are here." Binaba kami ni Dad sa lapag habang pinagmamasdan ang pagpasok ng mga Emperors at Empresses. Ngiting-ngiti kami habang tinitignan ang mga kapwa namin prinsesa at prinsipe. 

May dalawang babae na hawak ng isang Emperor, parehas na masigla ang mga itsura nila at ngumingiti rin. Ang isang Empress naman ay may hawak na dalawang bata, isang lalaki at isang babae. Masigla ang emosyon ng lalaki habang ang babae naman ay seryosong nakamasid sa kapaligiran. Pagkatapos ay sumunod ang isang Empress na may kargang batang kasing-edad rin namin pero tulog.

"Si Clover!" Galak na sabi ko habang pinagmamasdan si Clover na hawak-hawak ng Empress. Kumunot ang noo ko na bumaling sa isa pang lalaking hawak-hawak ng Empress.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora