CHAPTER 10: In Danger

42 7 46
                                    

"Mas bumibilis na ang mga hakbang ng mga rebelde, we need to do something."

'Yun agad ang narinig ko nang napadaan ako sa Main Hall ng palasyo. Kakagaling ko lang sa kwarto namin ni Ate Ciana at papunta akong garden ngayon. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin sa labas. 'Yun naman ang parati kong ginagawa tuwing gabi. Magpapahangin bago matutulog.

Nagtago naman ako sa gilid para hindi nila ako makita. Naging curious ako bigla sa pinag-uusapan nila. Matagal ko nang alam ang tungkol sa mga rebelde pero hindi ko alam na mas malala na pala ang sitwasyon ngayon. Sa mura kong edad, hindi naging normal ang  buhay namin ni Ate Ciana. Delikado at protektado kami sa lahat ng bagay.

"I know. That's why we need to secure all the boundaries of all Empires, including the Academy. Kailangan na rin nating malaman ang pinagtataguan nila sa lalong madaling panahon," komento ni Dad habang magkasiklop ang mga kamay.

"How about our children? Especially Nashy, she's somewhat different." 

Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ko. I'm somewhat different? Dahil ba hanggang ngayon ay hindi ko pa nalalaman kung anong kapangyarihan ang meron ako?

"That's why she needs to be guarded more." Ani Mommy.

Bumuntong-hininga nalang ako at nilampasan sila. Tumakbo ako papuntang Garden. Ayaw kong pakinggan pa ang pinag-uusapan nila. Bad daw 'yun sabi ni Mommy.

Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin pagkarating ko sa Garden. Napapikit ako ng mga mata habang dinadama 'yun na humampas sa pisngi ko

Umupo ako sa damuhan habang pinagmamasdan ang mga fairies na nasa kani-kanilang puno at gumagawa ng ilaw kaya ang gandang tignan. Kumikinang ang mga puno ng dahil sa kanila.

Sa mga oras na 'to, saka lang tumatahimik ang isipan ko. Mas gusto ko palagi ang kadiliman dahil nakakaramay ko ito sa mga bagay na gusto kong kalimutan. Sa mura kong edad, hindi ko alam kung bakit ganito na ako mag-isip. Siguro ganito ako kasi nasanay ako sa seryosong presensiya ng mga tao sa paligid ko. Walang oras na makipagbiruan lalo na sa oras ng panganib.

"When the dark starts to rise~" Pagkanta ko. Tinuro ni Mommy sa amin ang kanta na ito, maikli nga lang pero nagustuhan ko ito sa hindi malamang dahilan. "When the light starts to set~" Tinignan ko ang mga bituin at binilang 'yun.

"I'm gonna be by your side~" Ngumiti ako. "So, hold me tight~" Pagtapos ko sa kinakanta ko. That song, made me feel comfortable especially when Mom is singing that.

Akmang aalis na ako, ngunit biglang nakarinig ako ng isang pagsabog, malapit sa garden namin. Malakas akong napatili dahil sa gulat at takot. Mabilis na kumalat ang apoy papunta sa pwesto ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala na akong matatakbuhan dahil biglang pumalibot sa akin ang apoy.

"Nashy!" 

Narinig ko ang boses ni Daddy pero hindi ko siya makita. Papalapit na sa akin ang apoy at nararamdaman ko na ang hapdi sa katawan ko. Napaiyak nalang ako sa takot.

"Daddy!" Tawag ko sa kanya. Ubo ako ng ubo dahil sa usok na nalalanghap ko. Nagsisimula ng magdilim ang paningin ko.

"Nashy! Where are you?!" Narinig ko ang boses ni Mommy pero napabagsak nalang ako sa sahig.

"M-mommy..."


"Are you sure that you saw Shadow and Spades?" 

Agad na dumating si Clover sa Convinience Store nang tawagan ko siya. Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang nangyari. Nakita ko sila Shadow at Spades. Alam kong totoo ang nakita ko, hindi lang 'yun guni-guni.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now