CHAPTER 6: The Elites

40 13 16
                                    

"Why do we have to be here?" Napalingon ako sa kinauupuan ng isang prinsesang kanina pa nakasimangot. Kanina ko pa naririnig ang mga halinghing niya at mga reklamo.

Suot-suot niya ang kunot niyang noo at hindi mapintang ekspresyon sa mukha niya. Ang sama ng tingin niya sa amin na akala mo may ginawa kaming masama sa kanya.

Tinignan siya ng isang prinsipe. Medyo magkahawig sila kaya pumasok kaagad ang ideya sa isipan ko na magkapatid sila.

"Stop complaining, Irra. Nandito na tayo." Suway ng prinsipe sa kanya. Irra, I believe that's her name. Pangalan pa lang alam mo nang hindi kami magkakasundo nito.

Inirapan lang ni Irra ang prinsipeng kausap niya. "Xymon, I told Mom earlier that I don't want to come!" Pabulong na bulyaw niya sa prinsipeng tinatawag niya na Xymon. Kanina ko pa naririnig ang bangayan nilang dalawa pero nanatili na lamang akong tahimik. Hindi rin umiimik si Ate Ciana na nasa tabi ko lang.

"Same."

Napalingon naman ako kay Prince Spades na katabi ko lang rin. Suot pa rin niya ang malamig niyang emosyon habang nakatingin kay Irra. Agad naman siya binalingan ni Irra at tinaasan ito ng kilay.

"I don't wanna come also. Mom just forced me." Lintaya niya. Talagang ayaw niyang sumama sa ganitong okasyon, katulad nung sinabi ni Clover tuwing naglalaro kami.

Inirapan naman siya ni Irra. "Am I talking to you?" Dahil sa sinabi niyang iyon ay sinuway ulit siya ni Xymon. Pinanlakihan niya lang ito ng mata.

Narinig kong tumawa ng mahina ang isang prinsipeng kanina pa nananahimik sa gilid. Meron itong suot-suot sa salamin at makulot ang buhok nito.

"What are you laughing at, Prince?" Mataray na tanong ni Irra sa prinsipe.

Natatawang umiling lang ang prinsipe. "Nothing." Sabi nito saka tumahimik ulit.

Tumikhim naman ako dahil pakiramdam ko ay may bangayang mangyayari. Lahat naman sila napatingin sa akin. Ngumiti ako ng matamis bago nagsalita.

"Hi! I'm Nashy." Pagpapakilala ko. Tinignan ako ng masama ni Irra at tinaasan ako ng kilay.

"Did we asked?" Mataray na tanong niya sa akin. Ngumiwi nalang ako dahil parang napahiya ako sa harapan nila. Ngumiti lang ako ng pilit at saka tumahimik na.

Biglang umayos ng upo si Ate Ciana. Ang mood niya ay hindi na maganda dahil kung kanina ay ngumingiti siya, ngayon ay seryoso na ang itsura niya.

"I'm Ciana. Nashy's older sister." Pagpapakilala niya sa sarili niya. Nakatingin lang siya sa lahat habang nagsisimula na iserve ang mga pagkain sa mesa namin.

"We don't care." Sumingit na naman si Irra. Bakit parang gusto nito ng away? Nagpapakilala lang naman kami.

Binalingan siya ni Ate Ciana at tinaasan ito ng kilay katulad ng ginagawa ni Irra. "Did I asked you to care?" Anito sa mababang tono kaya napasinghap naman ako.

Hinawakan ko ang siko ni Ate para pigilan siya. Bigla kasing bumigat ang atmosphere at ayaw ko ng pakiramdam na 'yun.

Natutop naman ang bibig ni Irra at biglang natahimik. Sa puntong 'yun ay gusto kong matawa dahil sa reaksiyon niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Let's just eat." Sabi ng prinsipeng kanina pa tahimik bago kunin ang kutsara at tinidor at umayos ng upo. Sinuotan siya ng panyo sa bandang leeg para hindi dumumi ang damit niya. "I'm Shadow by the way." Pagpapakilala niya sa sarili niya. 

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now