CHAPTER 3: Meeting The Boss

45 16 29
                                    

Isang linggo matapos kaming turuan ni Clover na maglaro ng solitaire, napapadalas na ang pagpunta nila sa imperyo namin. Palaging nag-uusap ang empress at emperor sa mga magulang namin na para bang may napakalaking problema na kailangan naming paghandaan.

Halos tuwing punta nila rito ay solitaire ang nilalaro namin. Hindi pa rin sumasama ang kambal ni Clover dahil nga hindi ito sanay makihalobilo sa ibang immortals, ayon sa sinabi ni Clover sa amin. Sa isang linggo, medyo nagiging komportable na sa amin si Clover.

"Your twin still don't want to come?" Tanong ni Ate Ciana habang may hawak na baraha. 

Umiling si Clover. "No." Simpleng sabi niya.

Inilapag ko ang mga baraha habang napabagsak ng balikat. "Kailan kaya makakabisita ang iba pang mga anak ng Empresses at Emperors?" Tanong ko sa sarili ko at sa kanila habang nakanguso.

Siyempre, gusto ko rin naman makilala ang mga ibang pwede ko pang maging kaibigan. Gusto ko rin makipagkaibigan sa mga prinsesa at prinsipe ng iba't-ibang imperyo. Gusto ko ring mapalapit sa kanila.

Saglit na tumigil si Prince Clover sa paglalaro at parang may iniisip. "I think I heard something from Mom."

Mabilis kaming naki-usyoso ni Ate. Anong sinabi ng Empress? Parang nakaka-excite naman. May bumuo agad na kuryosidad sa sistema ko. Pakiramdam ko ay makakadulot 'to ng kasiyahan sa amin.

"What is that?" Curious na tanong ni Ate Ciana habang ang mga baraha niya ay nasa baba na. Naka-indian seat kaming tatlo habang nasa lapag nakaupo. 

"I think the Empresses and Emperors of all Empires will have their meeting, they will bring the Prince and Princesses also."

Dahil sa sinabi niyang iyon, napangiti kami ng malaki ni Ate Ciana. Sa wakas! Makikilala na rin namin ang iba pang mga prinsesa at prinsipe, hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na 'yun. I can't wait to meet all of them.

Napatigil ako sa pag-iisip ng mga pwede naming gawin kapag nagkita kami ng iba't-ibang prinsesa at prinsipe nang biglang bumuntong-hininga si Clover. 

"I don't think Spades will come."

Agad naman nawala ang ngiti sa labi ko sa sinabi niya. Bakit naman?

"Bakit hindi mo pilitin na sumama?" Tanong ko sa kanya. Kumibit balikat lang siya.

"When he don't want to, he don't want to." Simpleng sabi nya.

Sa sinabing 'yun ni Clover ay naiimagine ko na ang ugali si Prince Spades. Masungit, matigas ang ulo, pasaway. Lahat ng negative attitude na naiisip ko yun ang naiimagine kong ugali ni Prince Spades pero hindi ko iyon malalaman hangga't hindi ko siya nakikilala.

Kumibit balikat nalang rin ako bago ulit kumuha ng card sa deck at naglaro ulit. "E'di, hayaan mo nalang siya. It's his loss." Sabi ko habang pinapile ang mga cards ng magkakasunod.

Bumuntong-hininga nalang siya habang nagsimula na ulit maglaro. Napahinto nalang kami dahil ilang minuto palang ang lumipas ay pumalakpak bigla si Ate Ciana. Tinignan ko ang lapag at nakita kong nakapile na lahat ng cards accordingly sa symbol nito.

"I finished first!" Sumimangot nalang ako sa sinabi niya. 

"Bakit ganun kabilis, Ate?!" Reklamo ko habang nakanguso. Tinawanan niya lang ako. Sobrang bilis ng kamay ni Ate. Sobrang bilis din magfunction ng utak niya! Simula ng maituro sa amin ang larong 'to ay hindi ko na naranasan ang manalo. Either si Clover o si Ate Ciana ang nananalo.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora