CHAPTER 2: Wait For Me

59 16 22
                                    

"Anong gusto mong laruin, Clover?" 

Nang makaabot kami sa Garden ay kaagad naming hinarap si Clover na wala pa ring emosyong nakatingin sa amin. Parang hindi siya komportable kaya hindi siya lumalapit sa amin, hindi rin siya nagsasalita.

Napatingin kami ni Ate Ciana sa isa't-isa. Saglit ay nilingon niya si Clover na nakatitig lang sa amin bago pumilit ngumiti ni Ate. "Wait for us here, Prince Clover. May sasabihin lang ako kay Nashy."

Kumunot ang noo ko habang nagtatanong na tumingin kay Ate. Anong sasabihin niya? Agad niya akong nilapitan at maingat akong hinatak papalayo kay Clover.

"Anong gagawin natin?" Tanong agad ni Ate bago sumilip kay Clover na nakatingin sa kawalan. Tinignan ko lang si Ate bago kumibit-balikat. Kahit ako, hindi ko rin alam kung paano makakalaro ang bubwit na prinsipe. Para kasing pasan na nito ang lahat ng problema sa mundo.

Bumuntong-hininga lang si Ciana bago dahan-dahang lumapit ulit sa prinsipe kaya sinundan ko lang siya. 

"Prince Clover," Tumingin sa akin si Ate bago binalingan ulit ang prinsipe. "Are you uncomfortable? Or, you don't want to play with us?"

Saglit na tumahimik si Clover bago malamig na nagsalita. "I wanna play with my twin." Tanging sambit niya sa tinanong ni Ate.

Nagkatinginan kami ni Ate Ciana bago lumingon kay Clover pabalik. "Saan ba ang isa pang prinsipe?" Tanong ko sa kanya.

Umirap lang siya at saka dahan-dahang sumandal sa malapit na puno. Nilapitan namin siya at umupo rin. Tinatakpan ng mahaba naming palda ang paa namin.

"He doesn't want to come." Tanging sambit niya habang nakatingin sa mga butuin sa langit. Ang buwan ay sumisinag sa mukha niya kaya kitang-kita ko kung gaano kaperpekto ang itsura niya.

"Gusto mo bang puntahan natin? Tayo ang bibisita." Sabi ni Ate kaya lumingon sa kanya ang prinsipe. Tumawa lang ito saka umiling.

"Spades doesn't like visitors." Aniya.

"Spades pala ang pangalan ng kakambal mo,"  Sabi ko. "Tapos ang pangalan mo Clover, pinangalan kayo sa baraha?" Inosenteng tanong ko.

Tumango lang siya saka sumilay ang ngiti sa labi niya na agad rin nawala. "Hmm." Tanging sagot niya lang.

Wow, ang ganda naman pala ng pangalan nila. Kambal pa sila, pero bakit ayaw niyang makihalobilo sa iba?

"Mahiyain ba ang kakambal mo?" Tanong ko sa kanya habang tumitingin rin sa langit.

"Why, are you interested in him?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya saka siya tinignan ng gulat.

"Hindi, noh! Nagtatanong lang naman." Sabi ko pero pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko sa sinabi niya. Nashy, four years old ka palang kaya tumigil ka.

"Hmm, ano bang palagi niyong nilalaro ng kambal mo para malaro rin natin." Suggest ni Ate kaya napalakpak ako. Tama, yung larong nakasanayan nalang nila ang lalaruin namin para makasabay siya.

Sumandig siyang muli sa puno bago magsalita. "Solitaire, do you know how to play that?"

Napatigil kami ni Ate sa sinabi niya. Solitaire? Eh, hindi namin kabisado yun dahil sina Daddy lang naman ang naglalaro nun tuwing narito ang mga councilor at ibang emperors na bumibisita.

"I thought that's only for adults?" Takang tanong ni Ate kay Clover.

"Well, father thought us that so we play it almost everyday." Aniya.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now