CHAPTER 12: Partner in Cards

31 7 0
                                    

Simula nang mangyari ang aksidente at naapektuhan ako, mas naging bantay-sarado ang buong imperyo. Bihira nalang rin kaming nakakalabas si Ate Ciana bilang bilin nina Mommy at Daddy na wag munang lalabas. 

Although, pumupunta pa rin ang mga Emperors at Empresses dito dala-dala ang mga Elites, kaya hindi kami nabobore ni Ate Ciana dahil may kalaro naman kami.

Sa lahat ng Elites, si Irra ang hindi ko masyadong nakakasundo. Lagi kasing masama ang timpla at ang kambal niya lang na si Xymon ang nakakausap niya. Mahirap siyang kausapin, palaging nagmamaldita kaya minsan ay nagkakasagutan sila ng Ate Ciana.

Si Spades naman, medyo wala kaming pansinan. Kadalasan ay si Clover lang rin ang kausap niya. Ang tanging nakakausap ko lang ay si Mary, Heavenly, Xymon at Shadow.

"Nashy, solitaire." 

Sumimangot naman ako kaagad nang mag-aya si Clover. Ayan na naman, matatalo naman ako!

Nakalutang ang isang deck of cards sa palad niya umiikot 'yun at nilalaro niya pa. Kung may kakampi lang sana ako e'di ayos!

Tatanggi na sana ako, kaso nagulat ako nang biglang sumingit si Spades sa pag-uusap namin.

"I heard the word Solitaire. You playing?" Tanong ni Spades kay Clover. Natigil naman ako sa pagsalita at itinikom nalang ang bibig ko.

Simpleng tumango si Clover. "Yeah, you wanna join?" Tanong ni Clover sa kanya.

Pasimple namang tumingin si Spades sa akin kaya nginitian ko siya kahit na naiilang ako. Sumimangot naman ako nang irapan niya ako.

"Sure."

Parang pumalakpak ang tenga ko sa sinabi niya. Sasali siya? Mabuti naman, may interaction  kami!

Pasimpleng ngumiti si Clover na agad niyang pinawi. "Sure, how about we try duo? You and Nashy, me and Ciana." Sabi ni Clover.

Saglit naman akong natigilan. Nagkatinginan pa kami ni Spades na para bang hindi kami sang-ayon sa suggestion ni Clover pero no choice dahil biglang dumating si Ate Ciana.

Wala naman akong nagawa kundi ang umupo nalang sa lapag habang inaayos na ni Clover ang magiging laro namin. Nakasimangot naman ako habang tinitignan si Spades. Sana naman maging maayos laro namin.

Nagsimula na kaming mag-arrange ng mga cards. Mabibilis ang mga galaw ni Clover at Spades na para bang hindi na 'yun mahirap sa kanila. Tumutulong rin ako sa pagpile para may maambag ako sa larong 'to.

Unang laro, kami agad ang naunang makapagpile ng mga cards. Natuwa naman ako dahil 'yun ang unang beses na nanalo ako sa larong 'to. Mukhang mas magandang may kakampi ako, ang galing ni Spades maglaro.

Sa sumunod na mga rounds, salit-salitan ang pagkapanalo namin, minsan sila Clover ang nananalo, pero mas lamang kami sa kanila.

Napatapon nalang ni Ate Ciana ang mga cards at sumimangot. "Argh, this game is so tiring. Ayoko na nga." Aniya habang dahan-dahang tumayo.

Napatawa nalang ako at saka tumayo na rin. "Atleast nanalo na ako." 'Yun lang ang mahalaga, masaya na ako do'n.

Ngumisi naman si Clover habang pinapalutang ang mga cards, inayos niya 'yun bago nawalang muli sa mga palad niya.

Umiling nalang ako habang natatawa. Tumayo na rin ako para umalis na sana nang biglang higitin ni Spades ang kamay ko.

Kunot-noo akong napatingin sa kanya. Masyadong mabilis ang galaw niya.

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now