Chapter 14: Bravery or Fear?

29 8 3
                                    

Pana, espada, mga iba't-ibang klase ng granada. 

'Yan ang mga nakahain sa mga mata ko paglabas ko palang ng palasyo. Maraming mga kawal ang nasa labas at bantay sarado ang mga entrada sa ng kaharian. Marami ng kawal ang nag-eensayo sa labas at kami naman ni Ate Ciana ay nagkatinginan.

"Hindi na ata nagiging maganda ang simoy ng hangin," bulong niya sa akin habang nakaupo kami sa upuan sa ilalim ng puno. Wala ng pwesto sa amin upang makapaglaro dahil ginawa na ating parang battle field.

"Nashy?" Napalingon ako kay Ate Ciana ng tawagin niya ako. Nanatili pa rin ang mga mata n'ya sa kalibutan. Kumunot naman ang noo ko.

"Bakit Ate?" Tanong ko sa kanya. 

Lumingon naman s'ya sa'kin. "Sa tingin mo ba, magiging madali para sa kanila 'to?" Nahalata ko ang takot at pangangamba sa boses ni Ate. Halatang natatakot rin siya sa maaaring maganap. Kahit ako rin naman, ayaw ko ng ganito. Natatakot ako.

Pero kailangang harapin. Masyado pa kaming bata para rito ngunit kapag tadhana na ang nagtakda ng magaganap, wala na tayong magagawa para tanggapin ito.

Kumibit-balikat ako. "Hindi ko alam," itinuon ko ang atensyon ko sa harapan. 

"What do you mean?"

"Siguro kaya nila, siguro hindi. Nakabase na 'yan kung hanggang saan ang mararating ng tapang nila." 

Sabi ni Mommy, kapag masyado kang naduduwag, walang patutunguhan ang lahat kahit na magtatapang-tapangan ka. 

"I'm scared," yumuko si Ate at iginalaw-galaw ang mga paa niya ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang takot sa mga mata niya. 

"Ako rin naman, Ate. Pero kailangan natin maging matapang." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Napalingon siya doon at kasunod no'n ay ang pagtama ng mata namin. "Kaya natin 'to. Kaya ng buong Majestia 'to." Sabi ko. Pilit ko binibigyan ng pag-asa ang lahat ngunit sa loob ko ay napupuno na ako ng takot.

Ngunit mas lalong nabaon sa takot ang nararamdaman ko ng may marinig na naman kaming malakas na pagsabog. Sa tingin ko ay malayo ito ngunit malakas ang tunog nito. Naging alarma ang mga kawal. Maski kami ay napatayo sa gulat.

Ilang linggo na rin kaming naging sanay sa mga pagsabog. Dahan-dahan at patago ang nagiging pag-atake ng mga rebelde kaya't hindi namin mahuli-huli ang mga galaw at plano nila.

Nakita namin si Mommy at Daddy na nagmamadaling lumapit sa amin. Nag-aalala ang kanilang mga mukha habang may nakasunod na mga kawal sa likuran nila.

"Ciana, Nashy, pumasok na kayo sa loob." Sabi ni Daddy habang dahan-dahan kaming pinapapasok.

"What's happening, Dad?" Bakas sa boses ni Ate na kinabahan siya. Ako naman ay kinakabahan rin ngunit nanatili akong tahimik.

"The rebels are attacking the 5th Empire,"  nakarinig muli kami ng pagsabog. Wala na kaming magawa ni Ate kundi ang sundin na  lamang ang utos nila at pumasok sa loob.

Hanggang kailan magiging ganito ang Majestia? Hanggang kailan magiging sira ang pagkakaisa namin? Sino ang magiging pag-asa ng mundong ito? Sino ang magdadala ng pagbabago?

Maraming katanungan ang tumatakbo sa isipan ko ngunit hindi ko man lang ito mabigyan ng kalinawan. 

May pagbabago nga ba talagang magaganap? Kung mayroon, kailan?

"OMG ka," bungad ni Langit kay Xymon nang malinawan na 'to sa lahat ng nangyari.

Di makapaniwalang tumingin si Xymon kay Langit. "Anong OMG ako? Akala mo naman hindi ka nawalan ng memorya," masungit na sabi ni Xymon. 

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now